top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Walang dapat ika-insecure kahit masyonda na… BEA, MAY 'K' NANG I-LEVEL KINA VILMA, NORA, LORNA, ETC.

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 31, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 31, 2022




Walang dapat ipangamba at ika-insecure si Bea Alonzo kahit na lagpas 30 na ang kanyang edad ngayon.


Hindi naman masasabing nabawasan na ang ningning ng kanyang career nang madagdagan ang kanyang edad.


In fact, patuloy pa rin na dumarating sa kanya ang malalaking projects at product endorsements. Nakuha pa siyang Calendar Girl ng isang alak kung saan nakapagsuot pa siya ng mga sexy swimwear na ngayon niya lang ginawa.


Nag-level-up na ang image ni Bea Alonzo bilang aktres. Bentahe para kay Bea ang kanyang pagma-mature at mas lalawak pa ang puwede niyang tanggaping role sa pelikula man o sa telebisyon.


Si Bea Alonzo ang binansagang bagong Hilda Koronel ng showbiz.


At this point of her life, hindi na kailangan ni Bea na makipagkumpitensiya sa ibang young actress. Kinilala na ang kanyang husay sa pag-arte. Puwede na siyang ihanay sa magagaling at premyadong aktres tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Gina Alajar at Amy Austria.


Walang dahilan upang siya ay ma-insecure kahit medyo may-edad na siya ngayon. Angat na siya sa mga nakasabayang aktres.


Ang tanging challenge na kanyang haharapin ngayon ay ang gumanap sa iba't ibang klaseng roles na hindi pa niya nagagampanan, At magagawa na ni Bea ito ngayon dahil hindi na niya kailangan na dumepende sa love team nila ni John Lloyd Cruz.


Puwede na siyang sumubok sa ibang aktor na makakapareha. Natutulungan din siya ng kanyang personal stylist upang magmukhang mas bata sa kanyang edad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page