top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Walang bisa ang huling habilin kung walang petsa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 18, 2021



Dear Chief Acosta,

Namatay ang aking lolo noong nakaraang buwan. Nadiskubre naming may naiwan siyang liham o huling habilin kung saan nakasaad na ipinamamana niya sa akin ang kalahating ektaryang lupain niya sa probinsiya bilang ganti sa pag-aalaga ko sa kanya ng maraming taon. Pinirmahan din niya ang nasabing liham, ngunit walang petsa kung kailan niya ito isinulat. May bisa ba ito? – Hilda


Dear Hilda,

Para sa inyong kaalaman, ang holographic will ay isang klase ng huling habilin na hindi kailangan ipanotaryo upang magkaroon ng bisa. Ayon sa batas, ang holographic will ay nararapat na naaayon sa partikular na estriktong porma upang magkaroon ng bisa. Ayon sa Article 810 ng Civil Code of the Philippines:


“Article 810. A person may execute a holographic will which must be entirely written, dated, and signed by the hand of the testator himself. It is subject to no other form, and may be made in or out of the Philippines, and need not be witnessed.” (Binigyang-diin)


Ayon sa inyo, ang ginawang holographic will ng inyong lolo ay walang nakasulat na petsa. Samakatwid, hindi ito maituturing na holographic will na may bisa, batay sa nabanggit na batas, sapagkat wala itong petsa na isinulat mismo ng inyong lolo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page