Walang bantay na parents… GABBI AT KHALIL, MAGPAPAKALIGAYA SA TATE
ni Nitz Miralles - @Bida | September 2, 2022

Sa kanyang IG story, ibinalita ni Gabbi Garcia na nasa Los Angeles, California sila ng boyfriend niyang si Khalil Ramos.
Bago lumipad pa-Amerika, may appreciation post si Gabbi for her parents kung saan pinuri siya ng mga netizens dahil at her age raw (23 yrs. old) at kahit kumikita na, nagpaalam pa rin na magbabakasyon sila ni Khalil.
“Appreciation post for my Mom & Dad, it’ll be my first long vacation without them. Thank you for allowing me to do this. I really, really appreciate it. I’m blessed to have parents who are allowing me to grow on my own. Thank you for trusting me.
“My mom even made arrangements with her flight schedule as a crew so she could personally assist @khalilramos and I.”
Sa video, makikitang in-assist sina Gabbi at Khalil ng mom ng aktres at makikita ring inihatid pa ang dalawa ng dad ni Gabbi.
Sa comment section, marami sa mga friends nina Gabbi at Khalil ang nag-wish na maging masaya ang kanilang bakasyon.
Speaking of Gabbi, ‘katuwa rin ang comment sa balitang serye na pagtatambalan nila ni Joshua Garcia at collab ng ABS-CBN at GMA Network. Dahil parehong Garcia ang apelyido nila, may nag-comment na sana, magkapatid ang role nila at mom nila si Jean Garcia at kuya nila si Patrick Garcia. Gusto nilang si Cathy Garcia-Molina ang director at may nag-suggest na “Hello Garci” ang gawing title.
May mga fans din na ayaw sa collab ng dalawang networks at may mga binanggit silang pangalan ng Kapuso stars na mas dapat daw kapareha ni Joshua.
May nagkumpara naman kung sino kina Gabbi at Joshua ang mas star.
Hindi ba dapat matuwa na lang tayo na tila mawawala na ang network war at puwede nang magpalitan ng mga stars ang ABS-CBN at GMA Network?





Comments