top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Walang bagyo na pipigil sa lakas ng Chairman's Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 2, 2022



Sama-samang babangon ang mga koponan ng 2022 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup sa dalawang mainit na laro ngayong Miyerkules sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando. Patutunayan ng Las Pinas Oil Machine, Pampanga Delta, DF Bulacan Republicans at Muntinlupa Constructicons na walang bagyo ang makakapigil sa lakas ng basketbolistang Pinoy.


Sa tampok na laro ng 6 p.m., susubukan ng Republicans (2-1) na makalapit sa liderato kontra sa Constructicons (2-2) na galing sa dalawang magkasunod na talo. Huling naglaro ang Republicans noong Oktubre 14 sa isang 103-94 tagumpay sa Las Pinas.


Naglabas ng husay ang rookie na si RV Jumaquio at inaasahan na patuloy ang magandang laro kasama ang beteranong guwardiya na si Christian Necio para sa Republicans ni head coach Daniel Fernando. Kailangang gisingin ni Coach Gherome Ejercito ang Constructicons at kailangan umangat ang mga tulad nina Danny Diocampo, Andre Montserrat, Lloyd Cabeguin at Francis Abarcar.


Magsusubukan ang Oil Machine (1-2) at defending champion Delta (2-0) sa unang laban ng 4 p.m. at aasahan na lalampas ng 100 puntos ang dalawang koponan na may malupet na opensa. Kailangan ng Delta ang magwagi upang tumabla sa nagpapahingang numero unong La Union PAOwer (3-0) para sa liderato.


Puno ng aksiyon ang buong araw sa limang laro ng 2022 NBL Youth Second Conference simula 8 a.m. Aabangan ang tapatan ng Red Arc Bulacan at San Pedro Keymasters sa 1:15 ng hapon na huling laro sa elimination round ng Under-19 Division.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page