Walang araw daw na hindi… TONI, IPINAGSIGAWANG HIYANG-HIYA SA MGA PINAGGAGAGAWA NI ALEX
- BULGAR
- Feb 2, 2024
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 2, 2024

Inamin ni Toni Gonzaga na nahihiya rin siya sa mga pinaggagagawa sa social media ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.
Isa kasi ito sa mga napag-usapan nila ng content creator-vlogger na si Viy Cortez sa latest vlog nito.
Nag-guest si Toni sa vlog ni Viy kung saan ay sumalang ang TV host-actress sa lie detector test.
Isa sa mga tanong sa kanya ay “Nahihiya ka ba minsan sa mga ginagawa ng iyong kapatid?”
Ang bilis ng sagot ni Toni.
“Lagi! Walang araw na hindi!” aniya na medyo pasigaw pa.
Dagdag pa ni Toni, “Walang araw na ginawa ng Diyos na hindi ko ikinahiya!”
Tawa naman nang tawa si Viy at napa-"Oh, my God!" pa.
Hirit pa ni Toni, “Bakit ko naman ikatutuwa ang mga pinaggagagawa niya?”
At ang resulta ng lie detector test ay “truth.”
Sambit pa ulit ni Toni, “Kahiya-hiya!”





Comments