top of page
Search
  • BULGAR

Wala raw utang na loob… JAKE, TODO-PRAMIS NA 'DI IIWAN ANG DOS, NASA SINGKO NA

ni Melba R. Llanera - @Insider | December 3, 2020




Hindi nagpapaapekto at tinatanggap lang ni Jake Cuenca ang sunud-sunod na pamba-bash sa kanya ng ilang netizens dahil sa paggawa niya ng series na may titulong Ate ng Ate Ko sa TV5.


Isa ang dating Kapamilya actor sa mga pinaparatangan ngayong walang utang na loob dahil sa paglipat sa bakuran ng Kapatid Network pagkatapos na 'di maaprubahan ang franchise ng ABS-CBN.


Binabalikan ng ibang netizens ang mga binitawang salita noon ni Jake na hindi niya iiwan ang ABS kahit na ano ang mangyari sa laban nito at hindi siya lilipat. Isa rin si Jake sa mga artistang nakiisa sa noise barrage-rally ng ABS.


Depensa ng aktor, nagustuhan niya ang proyekto kaya niya tinanggap, bukod pa sa gusto niyang makatrabaho ang dating Kapuso actress na si Kris Bernal.


Pero kahit napapanood ngayon sa TV5 si Jake, nanatili naman ito sa ilalim ng Star Magic management.

May nagtanong sa amin kung makakabalik pa raw kaya sa Kapamilya Network ang mga artistang umalis sa kanila at sumakabilang-bakod kung saka-sakaling maibalik muli ang franchise ng istasyon.


'Di kami makasagot dahil 'di namin alam ang saloobin ng mga nakakataas sa Kapamilya Network.


Ang sigurado lang kami ay lalo nilang aalagaan at mamahalin ang mga artistang nanatili sa kanila at naging tapat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page