top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wala raw third party… MCCOY, KINUMPIRMA NA ANG BREAKUP NILA NI ELISSE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 6, 2023




Pahayag ni McCoy de Leon sa kanyang IG account, "Hindi ko intensiyong manloko."


Ibig lang sabihin nito, kinukumpirma na ng aktor ang separation nila ni Elisse Joson na nanay ng kanyang anak na si Felize.


Nag-public apology nitong Wednesday si McCoy hinggil sa kumakalat na isyung hiwalay na sila ni Elisse.


Ani McCoy, “Sorry po, pasensiya na po sa inyong lahat… Hindi po totoo ‘yung mga convo na kumakalat, hindi po ako ‘yun. Pasensiya na po ulit.”


Ayon pa sa actor, walang ibang babae na involved sa kanilang hiwalayan.


“Wala pong [involved] na ibang tao [sa] pinakarason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo."


“Hindi ko po intensiyon [na] manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”


Hindi naman idinetalye ni McCoy kung ano ang problemang kanilang pinagdaanan na hindi nila maresolbahan ng dating partner na si Elisse.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page