top of page

Wala raw respeto sa mga kapatid… “RESPECT IS EARNED” — CLAUDINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21, 2025
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 21, 2025



Photo: Claudine Barretto - IG


Nakapanayam nina Jobert Sucaldito at Chaps Manansala sa kanilang YouTube (YT) channel ang Optimum Actress na si Claudine Barretto.


Tila lalong naging mainit ang bangayan ng magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto, kung saan dumating pa sa puntong binabantaan na umano si Claudine ng kapatid nilang kampi kay Marjorie.


Sa panayam ng dalawang hosts, emosyonal na naglabas ng kanyang saloobin ang aktres ukol sa kanyang mga nakatatandang kapatid.

Bungad ng Optimum Actress, “Wala akong utang na loob sa inyo, pero kayo, malaki ang utang sa akin.”


Ayaw isumbat ng aktres ang tulong na ginawa, pero dahil sumabog na rin siya kaya hindi na siya nakapagpigil.


Aniya, “‘Pagka nakalimot ka at nananakot ka, ‘wag mo hintayin pabayaran ko sa ‘yo.”

Dahil sa mga nabanggit ni Clau, nasabihan siya na ‘walang respeto sa kapatid’.

Pero, matapang niyang sabi, “Yes po, wala po akong respeto. Respect is earned.”

Humingi rin siya ng sorry sa kanyang mga fans at netizens na nakasuporta sa kanya.


“I’m sorry sa fans ko na we have to wash our dirty linen in public but I have to. For my children’s sake, mag-isa lang ako, wala akong katuwang, eh.


“Sana, malaman ng mga kapatid ko, wala akong ibang ginusto kundi padaliin ang buhay sa inyo para ‘di kayo mahirapan.


“Ang sakit lang na ‘pag wala ka, ‘pag wala ka na pala, wala na rin ‘yung respeto.”

Dugtong pa niya, “Dumating sa point na I had to remind kasi baka nakalimutan nila, na once upon a time, napaaral ko 'yung mga pamangkin ko, nabayaran ko 'yung renta ng bahay nila, natulungan ko sila sa mga negosyo.


“Ayokong manumbat, eh, pero minsan, ‘pag sobrang sakit mo nang magsalita, parang gusto kong, ‘Uy! sandali, remember when you were down, I was there. When I was down, wala kayong ginawa.’”


Ngayon, mas pinaniniwalaan ng aktres na “Earlier I said blood isn’t thicker than water, if you wanna bring back whatever all of you did to me before, go ahead, sirain n’yo ulit ako, ginawa n’yo naman noon, eh, pero do not expect that I would just sit back and accept this, because I’m not the Claudine anymore. I am not the Claudine that you can bully around no matter how old you are. Wala akong utang na loob sa inyo, pero kayo, malaki ang utang n’yo sa akin.”


Dugtong pa niya, “‘Wag sanang dumating ang araw na maglabasan tayo ng bank cheques, dahil kapag tumulong ka, ‘di ka dapat nanunumbat, pero ‘pag nakalimot ka at nananakot ka, ‘wag mo hintayin na pabayarin ko sa ‘yo.


“So, again, if you wanna bring up whatever you did to me, whatever I did many years ago, tatanggapin ko, pero sana, malaman ng mga kapatid ko na wala akong ibang ginusto kundi padaliin ang buhay ninyo para sa inyo, para hindi kayo mahirapan. Ang sakit lang, ‘pag wala ka na pala, wala na rin 'yung respeto.”

Ang komento ng mga netizens:


“The hardest betrayal is not from strangers—it’s from the people you once carried on your back. Respect isn’t demanded, it’s earned. Even family should know that.”

“Claudine, you are deeply loved by many — not just as an actress, but as a woman, a sister, and most of all, a mother who’s fighting silently and bravely for her children. You don’t deserve to carry the pain alone. ‘Respect is earned,’ and you have always given so much — your time, your heart, your sacrifices. It’s okay to speak your truth, lalo na kung ang katahimikan mo ay nagiging dahilan para ka masaktan.” 


“We hear you. We see you. And we’re hugging you with so much love and respect. Stay strong, Queen. #RespectIsEarned #ClaudineBarretto #SendingLove.”


“Nu’ng mga bata pa mga anak ni M.B. (Marjorie), ‘di ba, bineybi ni Claudine,

sinuportahan n’ya, kasama n’ya pa nga sa concert. I remember si Jerry Yan ‘yun ng F4. Mapagmahal s’ya sa mga pamangkin n’ya. Sad lang na nu’ng ikinasal (Claudia), wala s’ya. ‘Di man natin alam ang totoong story nila, I hope one day magkapatawaran na sila para masaya.” 


“I love you, Claudine. Isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz at pinakasikat at mahusay na artista sa mga Barretto.”

Anyway, bukas ang BULGAR sa magiging reaksiyon ni Marjorie Barretto.



DAPAT pala ay pupunta na ng United States of America si Shaina Magdayao, pero nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang home studio para gumawa ng teleserye with Gerald Anderson kaya na-postpone ang kanyang plano.


Ani ng aktres sa isang panayam, “It is an answered prayer. I’ve been praying for reasons to stay longer.”


Hindi raw niya matanggihan ang plot ng serye at ang kasamang cast, kaya nag-decide siyang mag-stay.


Huling napanood si Shaina sa Pamilya Sagrado (PS), at aminado siyang naging mapili na siya sa mga proyektong gagawin.


Sa previous interview ng Empower Hour (EH) ni Roni Hirshberg, ani Shaina, “The longer you stay in the industry, you try to find more meaning and purpose into what you’re doing.”

Wika pa niya, “Life would definitely humble you. It will definitely make you realize that you do not know everything and that you are not in control of anything, which is why whenever good things happen in your life, you have to be grateful.”


Ang mga makakasama nina Shaina at Gerald sa teleseryeng Sins of the Father

(SOTF) ay sina Seth Fedelin, Francine Diaz, Jessy Mendiola, JC de Vera, Joko Diaz, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles, at LA Santos.

Magsisimula na ito sa July 23 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at Kapamilya YouTube Channel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page