top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wala raw kasingsaya… PADIR NG ANAK, INILANTAD NA NI ANGELINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 20, 2022



Finally ay ipinakita na ni Angeline Quinto sa publiko ang ama ng kanyang first baby na ipinagbubuntis sa kasalukuyan. Sa kanyang latest maternity photo shoot na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, kasama niya sa larawan ang non-showbiz boyfriend at makikita sa kanilang dalawa ang labis na kasiyahan.


Makikita rin ang boyfriend ni Angeline sa latest YouTube vlog ng singer kung saan ay inilabas niya ang ilang behind the scenes sa maternity shoot.


Naging positibo naman ang pagtanggap ng mga netizens at fans niya sa BF ni Angeline at lahat sila’y masaya para sa singer.


“Ibang klaseng saya ang nakikita ko sa bawat ngiti mo Ate. Alam po namin na sobrang masaya ka ngayon at ganu'n din po kami para sa 'yo,” komento ng isang fan.


“Waaaaaaaah! FINALLYYYYYYYY,” reaksiyon naman ng isa niyang follower.


“Congrats, Angeline, pogi ni jowa,” sey naman ng isa pa.


Ipinahayag naman ni Angeline ang kanyang kaligayahan matapos kunan ang maternity shoot.


“My maternity shoot. Napakasarap sa pakiramdam na maranasan lahat ito. Lalo kasama ang mga taong malapit sa puso ko. Walang katumbas na kasiyahan ang nararamdaman ko habang ginagawa namin lahat ito,” pahayag ni Angeline.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page