top of page

Wala raw imposible… ALDEN, DREAM MAKATRABAHO SINA TOM CRUISE, KEANU REEVES AT ROBERT DOWNEY, JR.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 19, 2025



Photo File: Alden Richards - IG


Gustong makatrabaho ng aktor na si Alden Richards ang mga idolong Hollywood actors. Kaya naman ipinangako niya sa sarili nang ma-meet niya ang kanyang mga paboritong sina Tom Cruise, Keanu Reeves at Robert Downey, Jr. na balang-araw ay makakatrabaho rin niya ang mga ito.


Una niyang nakita nang personal at nakausap si Tom sa premiere ng Mission Impossible (MI) sa Seoul, Korea. Halos hindi makapaniwala si Alden nang makaharap niya nang personal ang Hollywood actor dahil dream come true ito para sa kanya.


Sobrang saya at excited siya nang malapitan ito. 


Looking forward din siya na makita in person sina Keanu at Robert. 


Para kay Alden, walang imposible kapag humiling ka, kailangan lang na i-manifest ang bagay na gusto mo. Alam niyang darating ‘yun sa tamang panahon. At hindi siya tumitigil sa kanyang pangarap na makita sa personal sina Keanu Reeves at Robert Downey, Jr..



HINDI man si Shuvee Etrata ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab, siya naman ang pinaka-in demand ngayon sa mga endorsements at TV guestings. Ang lakas ng impact niya sa mga viewers. May kakaiba siyang karisma sa tao kaya naman super busy siya ngayon at patuloy na sinusuwerte sa kanyang showbiz career.


Nagpapasalamat naman si Shuvee sa kanyang mga fans na sumuporta sa kanya. Ngayon ay unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang pangarap niyang ipagpatayo ng bahay ang kanyang mga magulang. 


Samantala, marami ang nagsasabing sina Shuvee at Mika Salamanca ang magiging mahigpit na magkalaban sa mga projects at endorsements.


Marami rin ang humahanga sa pagiging humble at kindhearted ni Mika. Asset niya ang pagiging sweet and friendly sa lahat. 


Well, magkaiba man ang personalidad nina Shuvee Etrata at Mika Salamanca, pareho naman nilang taglay ang karisma ng artistang karapat-dapat na maging idolo. Kailangan lang maging professional sila sa trabaho at matutong makisama sa lahat.


Suportado ni Dina…

OYO, PINIGILAN NI VIC NA MAGTAYO NG SARILING PRODUCTION COMPANY


GUSTONG magtayo ng sariling movie production ni Oyo Sotto. May naipon naman sila ni Kristine Hermosa, kaya gusto niya itong gamitin para mag-invest. 


Gusto niyang sumosyo sa movie outfit ng kanyang amang si Vic Sotto na nagtayo ng M-Zet Productions.


Pero pinigilan si Oyo ni Bossing Vic na gamitin ang naipon nilang pera. Wala raw kasiguruhan ang pag-i-invest sa movie/TV production. 

Pero nang hikayatin si Dina Bonnevie na mag-produce ng isang online show, isinama niya bilang mga co-producers sina Danica at Oyo Sotto. Si Oyo na rin ang kinuhang direktor ng House of D (HOD).


Umere na ang first episode at maganda naman ang feedback ng mga nakapanood. 

Nakapag-advanced taping na ng pitong episodes kung saan tinalakay nila ang iba’t ibang topics na tiyak na magugustuhan ng mga viewers. Isa nga rito ay tungkol sa pagpapalaki at pagdisiplina ng mga anak.


Natawa si Dina sa kuwento ni Danica na kapag pinapagalitan niya ang kanyang mga anak, nakikita raw nila ang kanyang sarili na reflection ng kanyang mom na si Dina Bonnevie. Gayang-gaya raw niya ang kanyang mom.



TUMAGAL ang pagsasama nina Janna Dominguez at Mickey Ablan at ngayon ay lima na ang kanilang anak. Hindi na lumalabas sa pelikula si Janna at naging full-time mom and wife. Pero regular siyang napapanood sa sitcom na Pepito Manaloto (PM), kung saan gumaganap siya bilang si Maria, isa sa mga kasambahay ng Manaloto Family (Manilyn Reynes at Michael V.).


Fifteen years nang umeere sa GMA-7 ang comedy-drama serye kaya may regular na kinikita si Janna bukod sa exposure niya sa telebisyon. At okey lang daw kung ang role niya sa PM ay kasambahay, hindi niya ito ikinahihiya.


Maging ang comedienne na si Mosang (Baby) ay kasambahay din ang role pero masaya sila na naging bahagi ng sitcom. 


Pamilya ang turing nila sa buong cast. Wala ring pressure sa set kapag taping dahil kapag walang eksena na kukunan ay puwedeng matulog muna. ‘Yun ang gustung-gusto ni Mosang. Hahaha!


At nagpapasalamat sila ni Janna kay Michael V. dahil super cool itong direktor. Binibigyan sila ng magandang exposure sa PM.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page