Akala, matinee idol, makeup artist pala… TONI, IBINULGAR NA BET NA BET NIYA NOON SI PAOLO
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 18, 2026

Photo: Paolo Balesteros at Toni Gonzaga - Toni Talks YT
“Ang dream ko pa naman noon sa Eat… Bulaga! (EB!), maging love team ko si Paolo,” ang pahayag ng aktres-singer na si Toni Gonzaga sa YouTube (YT) channel nitong Toni Talks nang mag-guest sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Sa umpisa pa lang ng nasabing show ay nagbalik-tanaw na si Toni sa mga nakaraan nila noon ni Paolo habang nasa programa pa sila.
Saad ni Toni, “Alam mo, tinitingnan ko ‘yung mga pictures namin ni Paolo, ‘yung mga campus tour natin sa Eat…Bulaga!. ‘Pag may campus tour, ‘di ba, tayo ang ipinapadala? Mga bagets pa kami noon. Ngayon, may anak na kami.”
Aniya pa, “Tapos eto, grabe ang tilian ng mga babae ‘pag lumabas si Paolo.”
Hirit na tanong ni Jose, “Pogi, ‘no?”
Saad ni Toni habang nakatingin kay Paolo, “Oo. Alam mo, ang daming nagsasabi na kamukha mo ‘yung asawa ko na si Paul (Soriano).”
Tanong ni Paolo, “Nasaan si Direk Paul?”
Pabirong sabi ni Jose, “Kaya s’ya nagpunta rito, para kay Direk Paul. Hahaha!”
Sa panayam ay sinabi ni Toni na halos sabay silang pumasok ni Paolo sa EB! noong 2001.
Tanong ni Toni kay Paolo, “Ikaw ba, nakuha rin dahil sa kumo-commercial?”
Taas-noong sabi ni Paolo habang may magandang ngiti, “Hindi, sa mga connections.”
Dagdag na tanong ni Toni, “‘Di nga? Ano’ng connection?”
Inamin ni Paolo na kaibigan kasi ng manager niyang si Jojie Dingcong ang dating producer ng Eat… Bulaga! na si Malou Choa-Fagar kaya agad siyang nakapasok dito.
Dagdag na tanong ni Toni, “Pero nagsimula ka rin sa mga commercials?”
Hirit na tanong ni Wally Bayola, “Agad-agad?”
Saad ni Toni, “Guwapo, eh. Saka may hitsura, eh.”
Inamin din ni Toni sa panayam na ang dream niyang maging ka-love team ay si Paolo Ballesteros.
Aniya, “Alam mo, nagulat ako kay Paolo na naging komedyante s’ya. Kasi nu’ng umalis ako, matinee idol ang packaging nito, eh. Naging full blast comedian ka na.”
Pabirong sabi ni Paolo, “‘Yung thought pa lang na ‘yun, comedy na. Dapat, dramatic actor.”
Sa sinabi ni Paolo ay natawa na lang sina Jose, Wally at Toni.
Saad pa ni Toni, “Ang dream ko pa naman noon sa EB! ay maging love team ko si Paolo. Kasi ang guwapo nga ni Paolo noon, ‘di ba?”
Hirit na sabi ni Jose, “‘Yun pala, kukulutan ka.”
Saad ni Toni, “Oo, ‘yun pala, makeup artist.”
In fairness, pinuri ni Jose Manalo si Paolo Ballesteros.
Sey ni Jose, “Magaling ‘yang si Paolo kaya nabuo ang JoWaPao (Jose, Wally at Paolo).”
Anyway, sayang at hindi natuloy ang dream ni Toni Gonzaga na maka-love team si Paolo Ballesteros. At least, kamukha pa rin nito ang nakatuluyan niya na si Direk Paul Soriano.
‘Di ba naman, madlang people?
HINDI mapipigilan ang aktor na si Sen. Bong Revilla na magpahayag ng pagmamahal sa kanyang anak na nagdiriwang ng kaarawan, si 1st District Cong. Jolo Revilla.
Sa social media post ni Sen. Bong sa pamamagitan ng RBR page administrator ay nagpahayag siya ng pagbati para sa kanyang anak.
Saad sa post ng RBR administrator, “Happy birthday sa aming anak at napakasipag na kinatawan ng Cavite 1st District, Cong. Jolo Revilla!
“Bilang magulang, palagi naming ipinagpapasalamat sa Diyos na biniyayaan Niya kami ng mga anak kagaya ninyo, ‘di lang matagumpay sa inyong larangan kundi mayroon ding pusong handang tumulong sa kapwa.
“Napakasarap sa pakiramdam na makita ang dedikasyon mo sa paglilingkod sa nasasakupan mong distrito sa ating lalawigan ng Cavite. Dalangin ko na patuloy kang gabayan at pagpalain ng Panginoon. Nawa’y bigyan ka Niya ng higit pang lakas at talino para maipagpatuloy ang iyong hangarin para sa ating mga kababayan.
“Tandaan mo na palagi kaming nasa likod mo, anak. We love you, and we’re so proud of you, Jolo! Happy birthday!”
Well, happy birthday, Cong. Jolo Revilla!
“HUGE respect to our Queen Bomb Rochelle Pangilinan for leading the way,” ito ang pahayag ni SexBomb member Aira Bermudez sa kanyang Facebook (FB) post.
Saad ni Aira, “Being a leader isn’t about a title on a paycheck, it’s about the talent, sweat, and years of experience.
“Hindi ‘yan basta ibinibigay, at lalong hindi ‘yan maaagaw.
“I’ve worked hard for every step I take on that floor. Jobs can come and go, but the discipline and skill I’ve earned, that’s mine forever.
“Huge respect to our Queen Bomb Rochelle Pangilinan for leading the way. Proud to lead beside the best. Get, get aww!”
Korek ka r’yan, Sexbomb Aira! Deserve naman talaga ni Rochelle Pangilinan ang respeto dahil sa husay niya sa pagiging leader.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments