top of page

Botong-boto sa bagong GF ng kuya… LELLA, TODO-SUPORTA SA KASALANG DANIEL-KAILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 19, 2026



Lella Ford

Photo: Interview via Bulgar



Masarap palang kausap ang itinanghal na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapamilya Big Winner na si Carmella “Lella” Ford.


Nakapanayam namin kahapon ang bunsong anak ni Karla Estrada at kapatid ni Daniel Padilla na si Lella sa ibinigay na Spotlight mediacon ng Star Magic para sa Big 4 na sina Lella, Krystal Mejes, Joaquin Arce at Miguel Vergara.


Hindi lang kasing-witty ng inang si Karla kung sumagot si Lella, pero na-feel naming mabait at magalang ito at hindi pa showbiz kung sumagot. 


Meaning, hindi pa uso sa kanya ‘yung “Next question, please?” at “Off the record po, ha?” na linyahan ng mga batikan na sa showbiz.


Lahat ng tanong namin ay sinagot ni Lella with flying colors, ‘ika nga.

Unang tanong kasi namin sa kanya ay kung napi-feel na ba niyang sikat na sikat na siya ngayon after niyang lumabas sa Bahay ni Kuya.


Mapagkumbabang sagot naman nito, “Ay, hindi po, hindi po. Napi-feel ko pong maraming sumusuporta at nagmamahal sa akin ngayon kaya po ako nao-overwhelmed. Ang dami ko pong love na nare-receive pero hindi naman po siguro ‘yung ang feeling ko na ang sikat-sikat ko na, hindi.”





Tinanong din namin siya kung totoo bang isa si Kathryn Bernardo na ex-girlfriend ng kanyang Kuya Daniel sa mga gumastos sa text votes para maging Big Winner siya ng PBBCCE 2.


Nagulat si Lella at ang sagot, “Really? Hindi ko po alam. Pero if naglabas po si Ate Kath ng pera, thank you so much. Actually, thank you, ‘di ko po alam ‘yun.”


Inamin niyang hindi pa sila nagkakausap ni Kathryn dahil sobrang busy daw ngayon ng ex-GF ni Daniel.


At sa tanong namin kung sumuporta rin ba sa kanya ang bagong GF ni DJ (Daniel) na si Kaila Estrada, sagot ni Lella, "Yes, opo. Nagkita nga po kami after Big Night po. Pumunta siya sa house, catch up lang with family.”

Sinabi rin ni Lella na close na sila ni Kaila.


Sa tanong namin kung paano niya ide-describe ang bagong GF ni Daniel, ani Lella, “Ate Kai? Sobrang… grabe, she’s a role model. She’s someone I really look up to, hindi lang po sa akting, but just her as a person, grabe po. Sobrang… She’s very smart, very eloquent and yeah, she’s so nice, she’s so good. I love her.”


Masaya raw si Lella para kina Daniel at Kaila.


Aniya, “Ako po, masaya lang talaga ako for them. I’m so happy na she makes my brother happy.”


Nahingi rin namin ang reaksiyon ni Lella kung sakaling mag-decide na si Daniel Padilla na pakasalan si Kaila.


Diretsong sagot nito na obviously ay botong-boto kay Kaila, “Yes, of course, go! Kung saan siya masaya!”


Ang sweet namang sister ni Lella, tulad din ng pagiging sweet at supportive sa kanya ni Daniel ngayong pinasok na rin niya ang showbiz.





SAMANTALA, bago ang Big 4 ng PBBCCE 2, unang iniharap sa entertainment press at vloggers kahapon sa Spotlight mediacon ng Star Magic ang iba pang PBBCCE 2 ex-housemates na kinabibilangan nina Carmelle Collado, Eliza Borromeo, Fred Moser, Rave Victoria, Iñigo Jose at Reich Alim.


Ang dami ring nai-share ng anim na ex-housemates sa kanilang mga naging experience sa Bahay ni Kuya, pero siyempre, isa sa mga naintriga ang press ay sa issue ng mag-amang James Blanco at Iñigo Jose, lalo’t ilang araw pa lang ang nakalilipas ay inamin ni James sa interview sa kanya ni kapatid na Ogie Diaz na hindi maganda ang relasyon niya ngayon sa kanyang mga anak.


In fairness kay Iñigo, sinagot naman niya ang tanong nang mahingan ng reaksiyon tungkol sa problema nila ng amang si James Blanco.


Pero aniya, “Ako, I wanna keep it a private matter. Siyempre, gusto kong kami na muna ang mag-usap and then afterwards, puwede na pong pag-usapan sa publiko. Gusto ko pong maayos muna privately ‘yung family matters namin in respect to my mom as well and my family kasi siyempre, hindi naman madali na pagdaanan ‘yung mga ganyang bagay sa publiko. Kaya gusto ko po munang i-address ‘yun privately bago ko po siya pag-usapan in public.”


Tama naman! At mukhang maganda ang pagpapalaki ni James Blanco at ng kanyang misis kay Iñigo dahil base sa mga sagot nito, mapi-feel mong magalang siyang kausap kahit pa ang first impression namin sa kanya noon ay parang maangas siya.


Well, good luck, Iñigo at sana nga, magkaayos na kayo ng Daddy James mo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page