JESSY, KUMANTANG 1 BUWAN SILANG NAGHIWALAY NI LUIS
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly| August 30, 2026

Photo: YT Jessy Mendiola
Simula nang mag-asawa siya at maging mommy, ayon kay Jessy Mendiola ay binawasan na niya ang pagpo-post ng bikini photos sa Instagram (IG).
“I don’t know if people have noticed. Dati kasi, ‘di ba, ako rin naman, nagpo-post ng mga bikini, ng swimsuit, ganyan-ganyan, or ng mga sexy posts?” sey ni Jessy sa latest vlog ng mister niyang si Luis Manzano na Luis Listens sa YouTube Channel nito, kung saan ay tinanong nila ang isa’t isa ng iba’t ibang couple questions.
“But ever since I became a wife and a mother, I kind of toned it down a bit,” dagdag ng aktres.
Paliwanag niya, gusto niyang maging good example sa anak na si Peanut, pero hindi raw siya against sa iba pang babae na nagpo-post ng sexy photos nila.
“I mean, I still appreciate others na ginagawa ‘yun, I have nothing against it, but personally, as a mom, I want to be a good role model for my daughter kasi nanay na rin ako, eh.
“Parang I want na mayroon din akong boundaries for myself. And I think, it’s just appropriate na you have this thin line between being proud of your body and at the same time, being respectful also not only for yourself but also for others. So, kaya ako nag-tone down,” she explained.
Sey pa niya, “I have nothing against it. I mean, kung sexy ka, why not, ‘di ba? Flaunt it. But for me, I feel like na mas happy na ako na ganito.”
Maging si Luis ay itinigil na rin daw ang pag-follow sa social media ng mga babaeng nagpo-post nang naka-bikini.
Pagbubuking ni Jessy, “Dati talaga, nagugulat ako, ‘Bakit ang daming pina-follow nito na naka-bikini?’ Tapos, siguro, s’ya rin, na-realize n’ya na ‘di na rin s’ya appropriate ngayon kasi nga mag-asawa na kami.”
Pagbabahagi pa ng aktres, “Nag-stop na s’ya, kasi ‘yung mga pina-follow naman n’ya, mga kaibigan naman n’ya, eh, ganyan.”
Pero that time ay binata pa naman daw si Lucky at bago pa lang ang kanilang relasyon.
“Sinasabi n’ya sa ‘kin, ‘Imu-mute ko na lang ‘yung mga ka-close ko na mahilig mag-post nang sexy.’ So, parang I guess, maganda na rin ‘yun for us kasi parang nandu’n na rin ‘yung boundaries kumbaga. Inirerespeto kung ano ‘yung request ko na it’s not appropriate anymore na may nakikita kang ganu’n sa feed mo,” lahad ni Jessy.
Natanong naman ng aktres ang asawa niya kung may pagkakataon bang na-hurt niya ang feelings nito at umamin naman si Luis na may mga nasabi nga sa kanya ang wifey na nasaktan siya.
“May mga nasabi na rin si How-how (term of endearment n’ya kay Jessy) na na-hurt ang feelings ko but nothing comes to mind in particular. But alam ko for sure na may mga away tayo na may nabibitawan ka,” sabi ng TV host.
“Basta may isang away tayo, eh, ‘di ko lang maalala,” aniya pa.
Samantala, inamin din ni Jessy na naghiwalay daw sila ni Luis nang one month noong mag-BF-GF pa lang sila.
“Once lang nangyari ‘yun, nu’ng pandemic. I guess kasi, napakagulo ng mundo nu’n and nag-shut down pa ‘yung ABS-CBN. I think our followers know this. Naghiwalay kami for a time na ‘di alam ng mga tao,” sey ni Jessy.





Comments