top of page
Search
  • BULGAR

Wala raw higaan, food etc... JACE ROQUE, KUMANTA SA HIRAP NA DINANAS SA TAPING NG SERYE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 13, 2022


Naintriga kami sa mga 'hugot' ng Top PPop Soloist at Showbiz Royalty na si Jace Roque dahil sa title ng kanyang album na Inferno. Parang may something, 'di ba?


Kaya nang maka-one-on-one chikahan namin si Jace via Zoom, tinanong namin siya kung bakit ganu'n ang title ng kanyang album at maging ng kanyang ire-release na song bukas (Biyernes) titled Back to the Beginning.


Diretso namang inamin ni Jace na kaya Back to the Beginning ang title ng album ay dahil gusto niyang balikan ang mga nangyari sa kanyang buhay mula pagkabata, nu'ng nangangarap pa lang siyang maging sikat na singer.


Big revelation sa amin ni Jace, nu'ng una pala ay hindi pabor ang mga magulang niya na maging singer siya dahil ang gusto ng mga ito, makatapos siya ng college degree at maging professional.

Araw-araw daw nu'ng bata pa siya ay binubungangaan siya ng mga magulang at laging sinasabi sa kanya na walang pupuntahan ang kanyang hilig sa pagkanta.


Sa kabila noon, hindi sumuko si Jace, ipinagpatuloy pa rin niya ang hilig niya sa pagkanta at nag-compose ng mga songs na isa-isa niyang isinasama sa kanyang album.


Hanggang sa dumating ang point na ang ika-apat niyang single titled Trust ay umabot sa 1 million views sa Facebook.


Dahil dito, unti-unti na rin daw niyang nakuha ang suporta ng mga magulang at in fact, ngayong nominado siya bilang People’s Voice Favorite Male Artist sa darating na 35th Awit Awards na gaganapin sa ika-23 ng Nobyembre sa Newport Performing Arts Theater, mas excited pa raw ang mga ito. Ipinamamalita pa nga raw ng kanyang ina sa mga officemates nito ang kanyang matatanggap na award.


Pero knows n'yo ba na hindi lang ang na-experience sa family ang nagdulot ng 'pain' kay Jace Roque kundi maging ang ilang mabibigat na naranasan niya nang maging parte siya ng ilang teleserye?


Kuwento ni Jace, nu'ng nagsisimula pa lang siyang umekstra-ekstra sa ilang serye, na-feel talaga niya 'yung hindi magandang treatment sa mga extra na tulad niya, kung saan sa sahig lang daw sila pinatutulog at minsan, wala ring budget sa food.


Ang maganda naman daw sa na-experience niyang ito, pinatibay siya at pinatatag ang kanyang loob para huwag agad sumuko sa mga challenges pang darating sa kanya ngayong nasa mundo na siya ng showbiz.


Bagama't galing din sa angkan ng mga taga-showbiz, ayaw gamitin ni Jace ang kanyang mga kamag-anak na sina Gino Padilla at Luke Mejares para makilala siya bilang singer.


Gusto raw niyang sumikat on his own kaya kesehodang nahihirapan siya, patuloy siyang nagsisikap at nangangarap.


At ngayon nga, unti-unti na siyang napapansin at nabibigyan ng malalaking break sa showbiz at music industry.


Ganu'n lang naman talaga, sabi nga, mas masarap ang tagumpay 'pag pinaghihirapan.

Oh, yeah!!!



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page