Wala raw favoritism, KC, pero… SHARON: SA TOTOO LANG, SI FRANKIE ANG MAS KASUNDO KO
- BULGAR
- Sep 16, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 16, 2023

Finally ay nagsalita na si Sharon Cuneta tungkol sa issue nila ng anak na si KC Concepcion na nagsimula sa pag-unfollow ng panganay na anak sa mister niyang si Kiko Pangilinan.
Dahil dito ay naghinala ang mga netizens na may tampuhang nagaganap sa loob ng kanyang pamilya.
Sa mediacon kahapon ng Dear Heart na reunion concert nina Sharon at Gabby Concepcion ay hindi naiwasang maitanong ito kay Mega lalo pa nga’t nagkaroon sila ni KC ng napaka-touching message sa isa’t isa sa Instagram last Thursday.
Unang nilinaw ni Sharon na she’s a mother first before a wife dahil ang asawa raw ay napapalitan pero hindi ang anak. Kinlaro rin niya na wala siyang favoritism sa kanyang apat na anak.
“I don’t play favorites. Some people seem to think favorite daughter ko/favorite na anak ko si Frankie (Pangilinan), hindi. I love all my children equally,” she said.
“It’s just that, du’n lang tayo sa totoo, kung sino ‘yung lagi mong kasama, lagi kong katabi, meron ka lang mas nakakasundo. And among all my children, ang kaugali ko, si Frankie,” dagdag ni Mega.
Hindi raw niya kasi nakikita si KC at choice naman daw nito ang mag-solo talaga noon pa. Pero kahit na ganu’n ay lagi raw itong welcome anytime sa kanilang bahay.
“Our house, our home has always included her,” aniya.
Tungkol sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie, ayon kay Sharon ay nasaktan daw siya, of course.
“Pero pamilya kami. This is a family matter,” she said.
Alam daw niyang mas close ngayon si KC sa papa nitong si Gabby at ayon kay Shawie ay masaya raw siya.

“It makes me happy because they lost so many years together, but I have to remind the whole world, all of you, that since Gabby and I separated, there was never, not once, not even a time na hindi niya puwedeng puntahan ‘yung anak niya. I never prevented them from seeing each other,” she said.
Ipinagdiinan ni Mega na mahal na mahal niya si KC at ilalaban niya nang patayan ang mga anak.
Nag-apologize rin si Sharon kay Kiko dahil nadamay pa ito nang magkaroon nga ng issue ng unfollow. Maliit na problema raw ito ng pamilya na na-blow out of proportion.
Anyway, of course, umaasa si Sharon na maaayos din ang anumang hindi pagkakaintindihan simply because, pamilya sila.
Tungkol naman sa magiging partisipasyon ni KC sa Dear Heart, ayon kay Sharon ay wala pa raw siyang alam.
Gaganapin ang Dear Heart concert nina Sharon at Gabby sa October 27 sa SM Mall of Asia Arena.





Comments