top of page

Wala raw ebidensiya… AHTISA, ‘DI NANINIWALA SA DAYAAN SA MISS U 2025

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 5, 2025



FRANKLY - AHTISA, ‘DI NANINIWALA SA DAYAAN SA MISS U 2025_FB Ma. Ahtisa Manalo

Photo: FB Ma. Ahtisa Manalo



Dedma na si Ahtisa Manalo sa lahat ng magi controversies and issues sa Miss Universe 2025 na pinagpiyestahan ng buong mundo recently. 


Isa nga sa mga issues na ito ay nagkaroon umano ng dayaan at maraming disappointed sa resulta ng pageant.


Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Wednesday, natanong si Ahtisa kung disappointed siya being part of the pageant at ayon sa MU 2025 3rd runner-up, “No, not all.”


Paliwanag niya, “I was living my dream, and I was focused on getting the goal of Miss Universe 2025, and frankly, everything else around me. I didn’t really care that much for whatever was happening around me. In the sense na ang goal ko, maging Miss Universe 2025 and there will always be drama wherever you are in life.”


Dagdag pa niya, “So sa akin, focused lang ako. Whatever is happening around me, it’s okay.”

When asked about her assessments on all the issues including the rigging allegations, aniya ay mahirap daw paniwalaan kung ano ang totoo at hindi.


“I’ve been in pageants for 18 years, and I know that not all news is factual when it comes to pageants. It’s hard to know kung ano ang tsismis at kung ano ‘yung totoo.

“So for me, I always make sure that I don’t judge based on what I hear, especially if there is no evidence to it,” aniya.


“If I’m presented with facts, then I might change my opinion, but with no facts, it is what it is,” she added.


At sa lahat ng mga nangyari sa pageant, aniya ay tapos na ‘yun at nais na niyang mag-move on.


“It happened na. You know, there will always be things in life na hindi natin magugustuhan ‘yung resulta. And that goes for anything, even this competition.


“And to me, tapos na s’ya, wala na tayong magagawa about it. Let’s just move on with our lives,” saad ng beauty queen.


Marami kasing pageant fans na hindi pa rin makausad hanggang ngayon.



HINDI akalain ng 9-year-old singer-songwriter na si Love Kryzl na magiging viral ang music video ng kanyang original song na Kayong Dalawa Lang kung saan ay tampok si Kiray Celis at ang fiancé nitong si Stephan Estopia.


Nang ilabas kasi ni Kiray ang wedding scenes nila sa music video, inakala ng lahat na kasal na sila ni Stephan at ibinalita na sa lahat ng mga online sites that day. Ang dami ring nag-share nito sa social media at binati ang ‘bagong kasal’.


Sa launching ng single na ginanap last Tuesday, ayon kay Love Kryzl na bagama’t hindi niya in-expect, sobrang happy siya na nag-trending ang wedding scene ng kanyang Ate Kiray at Kuya Tepan.


For one, regalo raw talaga niya ang kantang ito kina Kiray at Stephan para sa nalalapit na kasal ng mga ito ngayong Disyembre. Naging close ng kanyang pamilya si Kiray dahil ambassador ito ng mga produkto ng Purple Hearts kung saan ay CEO si Love Kryzl.


Kinunan ang music video sa Las Casas Filipinas de Azucar at ayon kay Love Kryzl, nag-enjoy siya during the shoot dahil sa magagandang tanawin sa lugar.


Samantala, when asked about her participation sa kasal ng dalawa, aniya ay siya ang little bride. Bukod sa kanta, wedding gift din niya sa husband and wife-to-be ang hotel reception venue ng kasal at ang event styling ni Gideon Hermosa. 


Not only that, bumili rin daw siya ng kanyang Purple Hearts products para isama sa wedding giveaways nina Kiray at Stephan.


Ang kantang Kayong Dalawa Lang at ang music video nito ay ipinrodyus ng Purple Hearts Production, isang in-house company ng Kryzl Group of Companies. 


Inanunsiyo rin na si Love Kryzl ay maglulunsad pa ng isang single ngayong taon at inaasahang magkakaroon ng concert ang batang CEO sa susunod na taon.

Ang music video ng Kayong Dalawa Lang ay mapapanood na sa Love Kryzl Facebook (FB) page at sa Love Kryzl’s World YouTube (YT) Channel.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page