Muntik nang magbabu sa showbiz… ALDEN, TAKOT TUMANDANG MAG-ISA
- BULGAR

- 18h
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 5, 2025

Photo: File / IG _aldenrichards02
“My fear is I might grow old alone,” ito ang pahayag ng TV host-aktor na si Alden Richards nang mag-guest sa GMA Integrated News kamakailan lang.
Sa panayam ng broadcast journalist na si Nelson Canlas sa guwapong aktor ay naging emosyonal ito nang mapag-usapan ang tungkol sa biggest fear niya.
Kuwento ni Nelson, “Lingid sa kaalaman ng marami, muntik na raw mag-quit sa showbiz si Alden.”
Saad ni Alden, “I’d like to consider that as a mild burnout already na ‘di ko lang in-acknowledge. I just look at it na sabi ko, teka, parang saan na ba ako pupunta talaga? And then I wanted to go back to school. S’yempre ‘yung dilemma, ‘yung push and pull.
“When I reached the point of giving up, ‘di ako nakakalimutan lagi ni Lord talaga to bring me back again to my feet.”
At take note, emosyonal na nagbahagi rin si Alden ng kanyang biggest fear in life.
Kuwento ni Alden, “Siguro my fear is, wow, I might grow old alone. Ngayon lang s’ya dumating, minsan kasi, wala talaga akong pakialam sa sarili ko, eh. Mas, kumbaga, parang ‘yung mga importante muna.
"So, ‘yun lang. Parang ngayon lang s’ya dumating sa akin, just now when I said it. That’s my fear, I might grow old alone and I don’t want that to happen.
“Sa buhay naman, parang we all get what we deserve, you reap what you sow.”
Well, Alden Richards, sure si yours truly, hindi ka mag-iisa sa pagtanda mo. Maraming nagmamahal sa ‘yo.
‘Di ba naman, madlang pipol? ‘Yun na!
“I am very thankful that the industry I love so much continues to embrace me,” ito naman ang pahayag ng aktor na si Sen. Bong Revilla sa kanyang social media post nang parangalan siya ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.
Saad ni Sen. Bong, “Maraming salamat sa PMPC dito sa Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award. Mula sa aking pagkabata, kinamulatan ko ang industriya. Ito ang humubog hindi lamang sa akin kundi sa aming buong pamilya, mula sa aking ama at ina, hanggang sa akin at sa aking mga anak.
“53 years after my first screen appearance, and after over 100 films and hundreds more television episodes, I am very thankful that the industry I love so much continues to embrace me.
“In the course of my career, I have received a number of recognitions and accolades, but this recognition of my journey as a whole, named after one of the pillars of our industry, and given by our indispensable partners in showbusiness—our entertainment writers—will always be special.”
Pagtatapos na sey ni Sen. Bong Revilla, Jr., “Muli, maraming salamat, PMPC.”
Congrats ulit, Sen. Bong Revilla and God Jesus Christ protect and bless you always. Amen.
NAG-UWI ng 29 parangal ang ABS-CBN, kabilang ang Hall of Fame na pagkilala para kay Robi Domingo, sa 2025 Anak TV Awards na ginanap kamakailan.
Wagi ang It’s Showtime (IS), Rainbow Rumble (RR), Goin’ Bulilit (GB), Pilipinas Got Talent Season 7 (PGTS7), at My Puhunan: Kaya Mo! (MPKM) ng Anak TV Seal para sa kanilang programang angkop sa mga bata.
Tinanggap naman ng TV Patrol (TP) at Superbook ang Network Television Favorite Program na pagkilala, habang kinilala naman ang Patrol ng Pilipino (PNP) na Network Online Child-Friendly Program.
Nailuklok si award-winning host Robi Domingo sa Anak TV Hall of Fame matapos nitong manalo ng Makabata Star ng 7 taon.
“This Hall of Fame award is not just a milestone, it is a challenge. A challenge to be there to tell stories that uplift, use my voice for good, and to remain a positive influence for the youth who will one day shape our country,” pagtatapos na tsika ni Robi Domingo.
“Napakaespesyal para sa amin ang magwagi ng Anak TV Award. Itong mga parangal na ito ay hindi lang basta mga tropeyo, ito ay mula sa mga pamilyang Pilipino. Kayo po ang dahilan kung bakit patuloy kaming gumagawa ng mga makabuluhang kuwento,” ang sey naman ni ABS-CBN Head of Corporate Communications Kane Errol Choa.
Ang Anak TV Awards ay mula sa Anak TV, isang organisasyon na nagtataguyod ng mga palabas at programang angkop sa mga batang Pilipino. Ang Anak TV Seal ay nagsisilbing gabay ng mga magulang na ang programang kanilang pinapanood ay angkop sa kanilang mga anak.
Ang Makabata Star na parangal ay iginagawad sa mga personalidad na nakakuha ng mataas na boto sa mga symposia sa mga paaralan na pinangunahan ng Anak TV.
Ang Net Makabata na parangal naman ay base sa resulta ng online voting mula November 14–18, kung saan ibinoto ng mga netizens ang mga personalidad na nagsisilbing mabuting ehemplo sa mga kabataan.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments