top of page

Bukod sa nalulong daw sa casino… ATE NI KIM, MAY MAEPAL NA BF, PERA, GINAMIT SA MGA NEGOSYO, SUMABLAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 4 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | December 5, 2025



LET’S SEE - ATE NI KIM, MAY MAEPAL NA BF, PERA, GINAMIT SA MGA NEGOSYO, SUMABLAY_FB Kim Chiu

Photo: FB Kim Chiu



Pag-usapan naman natin ang demandang qualified theft ni Kim Chiu sa ate niyang si Lakambini Chiu.


Marami ang nagsasabing tila ill-advised si Kim ng kung sinumang nakapaligid dito dahil baka sa huli ay mag-boomerang din sa aktres ang kanyang ginawa.


Granting daw na nalagasan nga ng napakalaking halaga (daang milyones man ‘yan o magkano pa man) si Kim sa kanyang mga negosyo kaya’t may mga suppliers at employees silang na-compromise, ‘yung kaladkarin pa raw ng aktres sa legal at publiko ang isyu ay isang malaking pagkakamali.


“Ano pa ang silbi ng mga tunay na kadugo, kaanak, tatay o nanay, lola’t lolo, tito’t tita o kahit mga pinagkakatiwalaang ninong-ninang para mamagitan sa kanilang magkapatid? Lumalabas tuloy na magulo ang pamilya niya at nagmukha s’yang pera?” komento ng mga netizens.


“Paano pa s’ya mababayaran ng kapatid n’ya na sa aming pagkakaalam ay s’yang tumayong nanay nilang magkakapatid at naging manager ni Kim sa simula pa lang ng showbiz career nito? Ano’ng end goal n’ya, ipakulong ang kapatid?” hirit pa nila.


Mahirap magbigay ng judgment sa usapin kaya siguro idinulog na ni Kim sa legal ang isyu. Pero gaya ng opinyon ng lahat, mukhang kahit saan natin tingnan ay lalatay kay Kim ang ilang negative items nito.


“Tiyak na may epekto ‘yan sa career n’ya. Sana nga ay pinag-isipan n’ya ‘yan nang husto dahil at the end of the day, bahagi ng buhay n’ya ang kanyang kapatid,” dagdag pa ng marami.


Bukod sa pagkalulong umano sa casino at pagkakaroon ng ‘epal’ diumanong boyfriend, may mga pinasok daw na mga negosyo si Lakam na sumabit gamit-gamit ang pera ni Kim Chiu.


At dahil sa ginawa ng aktres, tila may mga kung anu-ano pang espekulasyon na lalabas at hindi mapipigilan ng kampo niya na pag-usapan, bilang ‘dahilan’ daw ng isyu, ke totoo man o hindi.



Tawa kami nang tawa kay kapatid na Gladys Reyes nang halos makiusap ito sa amin na pagbigyan naman daw namin siyang maging bida sa pelikula.


Sa latest movie niya kasing The Heart of Music (THOM) (showing na ngayong December 10), hindi lang siya basta bida kundi inilabas din niya ang talent niya sa pagkanta.


At dahil musical movie nga ito na umiikot sa kuwento ng pamilya, itinodo na ni Gladys ang mga natutunan niyang kanta kahit mga nursery rhymes. 


“Naku! Talagang sinadya naming gawin ‘yun dahil mukhang ‘yung bagong generation ngayon ng mga kabataan ay hindi na alam ‘yung mga ganu’ng klase ng kanta,” sey pa ng mahusay na aktres.


At dahil tila inspired din ito sa classic film na The Sound of Music (TSOM) dahil sa role niyang teacher na naging yaya ng isang family (ng nabiyudong si Robert Sena sa asawa nitong si Isay Alvarez) na may 4 na mga anak, talaga raw kinarir ni Gladys ang pagiging mabait sa role niya.


Kasama rin nila sa movie ang mga actors-singers na sina Marissa Sanchez, Rey ‘PJ’ Abellana, Jenny Gabriel, Joshua Zamora, Jopay at mga bagets na sina Angel Guardian at Hasna Cabral, sa direksiyon ni Paolo Bertola.


Bukod sa kulot ng buhok na first time naming nakita on screen kay Gladys, hindi rin daw nila kinalimutang isama ang ‘hula-hoop’ bilang isa sa mga larong Pinoy na mukhang hindi na rin daw nalalaro ng mga bata sa ngayon. 


“Marami ang makaka-relate na mga parents at mga kaedaran natin dito kaya importanteng ipapanood ito sa mga bagets nila,” pag-imbita pa ni Gladys Reyes na humirit pang, “Bagay din ‘yan sa mga panahong ganito.”



NAGKAKAISA naman ang buong cast members ng Bar Boys 2: After School (BB2AS) sa usaping korupsiyon sa bansa.


Animo’y mga pulitiko na ring magpahayag sina Direk Kip Oebanda, Carlo Aquino, Kean Cipriano, Rocco Nacino at Therese Malvar sa pagbibigay nila ng kanilang saloobin. 

Given naman na magaling nang magsalita si Enzo Pineda sa usaping nabanggit dahil isa na nga itong konsehal sa Quezon City.


Lahat sila ay nagwi-wish na sana nga raw ay may makulong at maparusahan na bago pa man mag-Pasko. 


“At sana talaga, mahuli nila ang mga higit na malalaking mga tao at matataas na nasa posisyon at hindi ‘yung mga maliliit na isda lang kumbaga,” sey pa ni Direk Kip.

Although hindi naman daw ganito ang tema ng movie, marami pa ring usapin sa BB2AS na sobrang totoo at relatable sa mga tao.


Bongga rin naman ang ginawa nilang tribute of sort kay Tita Odette Khan na naging malaking bahagi ng movie at parte pa rin ng pelikula bilang si Justice Hernandez (mula sa peg nitong si Miriam Santiago, bilang isang mahusay na judge dati). Lahat ay saludo talaga sa beteranang aktres na after more than 50 years nga sa showbiz ay sa naturang movie lamang nakakuha ng mga acting awards sa maraming award-giving bodies.


“But let us remind you that Bar Boys 2: After School ay isang stand alone movie. Hindi ninyo need panoorin o mapanood uli ‘yung first movie to understand this one,” sey pa ni Direk Kip.


Official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 ang Bar Boys 2: After School at ngayong Pasko nga ito mapapanood.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page