Political dynasty, stop na rin daw… ROCCO: DEATH PENALTY SA MGA KORUP!
- BULGAR

- 18 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | December 5, 2025

Photo: File / FB Rocco Nacino
Isa sa cast ng pelikulang Bar Boys 2: After School (BB2AS) ay gustong ibalik ang parusang death penalty dahil sa mga kaganapang nakawan sa kaban ng bayan, dahilan kung bakit hirap na hirap makabangon ang Pilipinas.
Ito ay si Rocco Nacino na gumaganap sa karakter na Atty. Torran Garcia.
Ipinagdiinan niya ito para magkaroon ng takot ang mga taong mabibigat ang kasalanan.
Aniya, “We need to be scared. I believe the system was made for the powerful to easily get away so we need something like this. We should have that death penalty para matakot sila.”
Matatandaang tinanggal ang parusang kamatayan noong 2006 nang pirmahan ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Republic Act No. 9346 at pinalitan ito ng life imprisonment at reclusion perpetua.
Mayroon tayong Human Rights (Section 11 of Article II of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines) at ang parusang kamatayan ay hindi maaaring mangyari hangga’t may bisa ang batas na ito.
Ang gusto namang mangyari ng direktor ng BB2AS na si Kip Oebanda ay magkaroon ng batas kontra-political dynasty sa Pilipinas.
“Ina-address natin ito sa pelikula. ‘Pag public official ka o contractor o kahit sino ka man, dapat mandatory na transparent ka para sa lahat ng ito.
“Kasi ninanakawan tayo nang ninanakawan ng mga contractors, ng gobyerno, at hanggang ngayon, wala pa ring nakukulong.
“Ang nakukulong lang, ‘yung mga maliliit na bagmen, ‘yung mga small fish. But there are the big fish. That’s why we don’t have any accountability for them because there’s no transparency,” paliwanag nito.
Dagdag pa, “Kita dapat ang lahat ng mga resources, lahat ng pera ng mga pulitiko, lahat ng mga tumatanggap ng pera ng gobyerno. Number 1 ‘yun.
“Number 2, tingin ko, kailangan natin ng mga batas na pipigil sa monopolya ng ilang pamilya sa gobyerno natin, so I am very for Anti-Dynasty Law.
“I speak for the whole cast na they would prefer na walang dynasty sa Pilipinas. Why? Because when you collect power and put it together in one sector and in one group, what you do is you make it hard to hold those all accountable.
“So if there are people in Congress, in Senate, in local government, at hawak nila ang lahat ng kapangyarihan, hawak nila ang kumpanya, ibig sabihin, mas mahihirapan tayo to hold them accountable.
“And so, we support Anti-Dynasty Law and stricter, harsher punishment sa lahat ng corrupt. Kailangan natin ‘yan kasi mayaman ang Pilipinas, ninanakawan lang tayo.”
Agree naman si Carlo Aquino sa mga pahayag ni Direk Kip.
Sey niya, “Saka ‘pag may hawak ka nang power na ganu’n katagal at ‘di nawawala sa ‘yo, nag-iiba ‘yung judgment mo. Nadi-disconnect ka. So ako rin, ‘yun talaga ‘yung ‘pag mabibigyan ako ng pagkakataon.”
Isa ang BB2AS sa mga official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 at sequel ng 2017 film na Bar Boys (BB).
Ang kuwento ay tungkol sa apat na magkakaibigan sa law school at pagkalipas ng 10 taon, ay nagkaroon ng reunion para malaman kung ano na ang mga nangyari sa buhay nila.
‘Yun nga lang, hindi naging maganda ang selebrasyon nang malaman nilang ang isa sa kanilang pinakamamahal na professor sa law school ay may matinding karamdaman at nag-iisa na sa buhay.
May mga bagong karakter at bagong batch ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Law tulad nina Will Ashley, Sassa Gurl, Therese Malvar, at Kean, dahil hindi pumasa ang huli sa law school at naging artista.
Kasama sa bagong cast sina Glaiza de Castro, Emilio Daez, Bryce Eusebio, Klarisse de Guzman, at Benedix Ramos.
Siyempre, in ang mga original BB cast na sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, Carlo Aquino, Kean Cipriano, at si Odette Khan.
Ito ay mula sa script nina Direk Kip Oebanda, Carlo Catu, at Zig Dulay na produced ng 901 Studios na binubuo nina Jon Galvez, Leo Liban, at Carlos Ortiz.








Comments