top of page

Sa lahat ng naging pangulo… SEN. ROBIN: ‘PINAS, PINAKA-SAFE KAY DUTERTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 16, 2026



Robin Padilla at Rodrigo Duterte

Photo: Robin Padilla / FB



Hindi naman talaga itinatanggi ni Sen. Robin Padilla na full support siya sa dating pangulo na si Rodrigo Roa Duterte.


Sa isang panayam, ibinahagi ng senador na noong panahon ng pamumuno ni dating P-Du30 ay ang Pilipinas ang pinakaligtas.


“Nakakatakot ‘pag ang nag-iisang Diyos na ang gumanti… You are crucifying an 80-year-old man. You denied him the house arrest that the Filipinos are demanding,” aniya.


Sa nakaraang artikulo, pinagtibay ng International Criminal Court (ICC) ang pagpigil kay

Duterte para makabalik ng ‘Pinas sa kabila ng mga argumentong iniharap ng kanyang kampo.


Bilang tapat na tagasuporta, patuloy na hinihikayat ni Sen. Padilla ang mga tao na magsalita laban sa desisyong ito at kumilos upang pauwiin siya.


Binanggit din ng senador na ang sitwasyong kinakaharap ni Duterte ay bibihira para sa isang dating pinuno ng estado, at idinagdag na ang karanasang ito ay naglagay sa kanya sa ibang kategorya sa kabila ng mga kritisismo at oposisyon na nakapalibot sa kanyang mga nakaraang patakaran.


Sa paggunita sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Duterte, iginiit niya na ang Pilipinas ay nasa pinakaligtas na kalagayan noong kanyang panahon. 


Ayon sa kanyang mga salita, ito ay isang bagay na hindi maikakaila ng mga tao.

“Kahit ano’ng isyu natin kay Digong, usisain n’yo na lahat, pero pagdating du’n sa safe tayo nu’ng panahon n’ya, walang kokontra,” aniya.


Idinagdag pa niya na ang safety standards ng ‘Pinas ay maihahambing pa sa ibang mga bansa.



Magte-ten years na ang skin care brand ni Miss Glenda Dela Cruz at marami-rami na rin siyang endorsers na celebrity.


Marami mang kalaban sa pagpapaganda ay hindi sumuko ang CEO-owner ng Brilliant Skin na ikalat sa buong Pilipinas ang kanyang produkto.


Naabot niya ang tagumpay sa sariling pagsisikap at never na nakipag-compete sa mga may negosyong tulad ng sa kanya.


Dahil sa sipag at tiyaga, hinirang siya bilang 2025 Top Employer of the Year ng kanyang lugar kung saan siya lumaki – sa Morong, Rizal.


Tinanggap ni Miss Glenda ang plake ng pagkilala na personal na iniabot ni Mayor Sidney B. Soriano nitong Marso 13.


Kabilang din siya sa Top 3 Outstanding Business Taxpayers of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayer of the Year.


Naghahanda na rin ang kumpanya na ipagdiwang ang ika-10 anibersaryo nila ngayong taon, isang mahalagang yugto na ayon kay Miss Glenda ay nagpapakita ng tiyaga at pagpupursige sa pagbuo ng brand sa kabila ng mga hamon na kanyang pinagdaanan.

Pinasalamatan naman ni Miss Glenda ang mga celebrity endorsers na nagtiwala sa kanyang beauty product tulad nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Kim Chiu, Paulo

Avelino, Ivana Alawi, atbp..


Ang anak nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas ang bagong endorser ng skin care brand. Aniya, hindi siya nagkamali sa pagkuha ng mga celebrities na ito dahil ang laki raw ng naitulong nila sa kanyang negosyo.


Sinisiguro niyang lahat ng kanyang mga celebrity endorsers ay darating sa araw ng kanilang isang dekadang selebrasyon.



IBINEBENTA na ni Kylie Padilla ang bongga niyang condo unit na nasa Mandaluyong City.


Nag-post siya sa kanyang social media account ng video tour kung saan ipinakita ang mga espasyo at pasilidad ng condo. Inihayag niya na ang ari-arian ay kumpletong two-bedroom unit na matatagpuan sa Harbour Park Residences.


“Ibebenta ko na ang condo ko!” aniya habang kinukunan ng video tour ang kanyang place.


May malinis na raw itong titulo at anumang oras ay puwedeng ilipat sa pangalan ng buyer. 


Ayon pa sa Kapuso actress, ang property ay isang kumpletong unit na hindi pa natitirhan. 


Hindi naman nagbigay ng detalye kung magkano ang condo unit na ibinebenta.

May isang netizen ang nagbigay-kulay sa ibinebentang condo ng aktres. 

Aniya, “Baka purdoy na s’ya kaya nagbebenta na ng ari-arian.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page