May lifetime free fuel na, nag-endorse pa ng kalabang brand… RONNIE, MAY PATUTSADA KAY HIDILYN NA WALANG UTANG NA LOOB
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 16, 2026

Photo: Atty. Topacio at Jasmine Curtis-Smith - Instagram
May patutsada ang singer na si Ronnie Liang na bagama’t hindi niya tinukoy kung sino, obvious na patungkol ito sa Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Kontrobersiyal kasi ngayon ang weightlifter dahil sa issue ng ‘lifetime free fuel’ na natanggap niya bilang reward mula sa Phoenix Petroleum matapos ang kanyang historic win sa Olympics noong 2020. Pero ayon sa manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer, dalawang taon lang nakatanggap ng free fuel ang weightlifter.
Naglabas naman ng statement ang Phoenix Petroleum at sinabing natigil ang pagbibigay nila ng libreng fuel kay Hidilyn noong 2022 dahil tumanggap ito ng kontrata mula sa ibang petroleum company.
Subalit ayon naman sa manager ng weightlifter, nang i-present sa kanila ang reward ay wala silang napag-usapang kondisyon at restrictions na bawal tumanggap si Hidilyn ng ibang petroleum endorsement.
Sa Facebook (FB) post ni Ronnie noong Sabado ay tila kinastigo niya si Hidilyn sa pag-endorse ng ibang oil company gayung tumatanggap siya ng libreng gas mula sa Phoenix.
“Ang nagbibigay sa iyo ng libreng fuel at sumuporta sa ‘yo noong nag-uumpisa ka pa lang ay ang Phoenix Petroleum Philippines, Inc., tapos ang ine-endorse mo ay ibang oil company,” sey ni Ronnie.
Needless to say ay nakikisimpatya ang singer sa naturang oil company at para sa kanya ay unfair ang ginawa ni Hidilyn.
“Unfair naman ‘yun sa nagbibigay ng libreng fuel at tumulong sa ‘yo nu’ng nag-start ka pa lang lumaban, at masakit din on their part,” aniya.
Panunumbat pa niya, “Gamit mo ang gas nila, tapos iba ang ipino-promote mo.”
Sa comment section ay samu’t sari ang mga reaksiyon at pinagsimulan na naman ng debate. May umaayon kay Ronnie at mayroon ding nagtatanggol kay Hidilyn.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Sana naisip din ng ibang nagreklamo against Phoenix kung okay lang din ba sa Petron na kinuha at binayaran s’yang endorser sa Petron, pero ang gamit niyang fuel ay mula sa Phoenix.”
“It’s a reward. Dapat bago nag-post ang Phoenix ng lifetime ay nakalagay na provided na wala siyang ibang ie-endorse na other gas brand.”
“Common sense na lang kasi ‘yan at respeto kung meron. Imagine, lifetime.”
“Delicadeza is the key.”
“Parang utang na loob pa n’ya ‘yun sa Phoenix? Si Phoenix ang nagpabida publicly for the free fuel and that time no contract or any written kasunduan was given. Two years after lang naibigay ang kasunduan, which means si Phoenix is trying to take advantage. Diyos ko naman, Ronnie Liang, ano’ng utak na meron ka?”
TULAD ng mga nakaraang taon ay ginunita ni Claudine Barretto ang kaarawan ng yumaong boyfriend na si Rico Yan noong March 14.
Matatandaang pumanaw ang dating heartthrob noong March 29, 2002 sa gulang na 27. Kung nabubuhay siya ay 51 na sana siya ngayon.
Sa video na ipinost ni Claudine ay makikita ang munting selebrasyon para sa kaarawan ni Rico sa set ng serye niyang Totoy Bato (TB), kung saan ay nagpa-deliver siya ng mga pagkain.
“Hello everybody, it’s March 14 and it’s the 51st birthday of Rico Yan,” saad ni Claudine sa video.
Sey pa niya, “Thank you so much to Illos for bringing all these food dito sa Antipolo para lang makain namin lahat dito sa set ng Totoy Bato.”
Caption naman ng aktres sa kanyang post, “Happy birthday in heaven, RY (Rico). Thank you.”
Nag-viral agad ang video niyang ito at may ilang netizens na nang-intriga pa.
Tweet ng isang X (dating Twitter) user, “Is she the patron saint of exes for celebrating their birthdays?”
Sey naman ng isa pa, “Hahaha! Kakatapos lang n’yang ipaghanda si Mark (Mark Anthony Fernandez), ngayon, si Rico Yan naman. Ang generous n’ya talaga. Hahaha!”
Pagtatanggol naman ng isang netizen kay Claudine, “Ano’ng problema kung magse-celebrate s’ya ng birthday ng ex n’ya? If wala naman s’yang hiningi at pera n’ya ‘yan, let her be, LOL (laugh out loud). Hahaha! Mga Pinoy talaga.”
‘Kaaliw talaga ang mga netizens!




Comments