top of page

Pasabog sa 30th b-day… KAILA, NAGDISPLEY NG PUWET SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 17, 2026



Kaila Estrada

Photo: Kaila Estrada / Instagram



May pasabog ang Kapamilya actress na si Kaila Estrada para sa kanyang 30th birthday kahapon, March 16.


Nag-trending sa social media, lalo na sa Facebook, ang sexy pictorial ni Kaila kung saan sa isang photo niya ay nagpakita siya ng kanyang butt.


In fairness, kahit super sexy ni Kaila sa shot na ‘yun, hindi siya nagmukhang bastusin o cheap. Ang dami pa ngang pumuri sa girlfriend ni Daniel Padilla dahil bukod sa pretty face at talinong taglay ni Kaila, asset din nito ang kanyang sexy body.





Marami ang nagsabing suwerte ni DJ sa kanyang GF at kaya raw siguro ito nagustuhan ni Daniel ay dahil “NASA KANYA NA ANG LAHAT”.


Nag-viral din ang video ng birthday celebration ni Kaila at kahit nakatalikod, marami ang nagsabing si Daniel ang lalaking nag-abot ng bulaklak sa aktres.

Kaya naman, marami ang na-happy na unti-unti na talagang nagiging open ngayon ang relasyon ng dalawa.


Well, ang inaabangan ng mga fans ay kung si Kaila na nga kaya ang last woman sa buhay ni Daniel Padilla.





Kay Chloe, may pa-Cartier watch…

CARLOS YULO, DEDMA SA MADIR NA NAGGRADWEYT NG COLLEGE



Angelica Yulo


MAY mga fans na nalulungkot na hindi pa rin pala nagkakaayos ang mag-inang Angelica Poquiz Yulo at Olympic two-time gold medalist na si Carlos Yulo.


Marami ang naging masaya nang proud na i-post ni Mrs. Yulo sa kanyang

Facebook account na naka-graduate na siya ng college sa Philippine Christian University sa kursong Bachelor of Science in Office Administration.


Pinuri ang madir ni Carlos dahil sa kabila raw ng edad nito ay nagpursige pa ring makatapos ng pag-aaral.


Napansin lang ng ilang netizens na wala ang name ni Carlos sa mga bumati sa kanyang ina. 


Naalala tuloy nila kung paano nag-celebrate si Carlos at girlfriend na si Chloe San Jose nang maka-graduate sa college ang huli sa Korean University sa Seoul, Korea.





May Cartier watch pa nga raw na regalo si Carlos sa kanyang long-time GF.

Pero ngayong ang kanyang ina nga ang naka-graduate, bakit ni wala man lang daw pagbati si Carlos Yulo?


Well, obviously, hindi pa naghihilom ang mga sugat sa kanilang puso kaya ‘di pa sila nagkakaayos.





NAGKAROON ng celebrity sighting sa patok na patok ngayon na Maddox Jewelry showroom sa Marikina, na pagmamay-ari ng president at founder na si Ms. Charo Cordial, nang bumisita ang actress at Taytay, Rizal councilor na si Cai Cortez.


Ang Maddox Jewelry ay kilala ngayon sa social media dahil sa live selling at online “mine” culture nito, kung saan libu-libong buyers ang tumututok sa mga alahas na kilala sa eleganteng designs at abot-kayang presyo.


Ayon kay Cai, matagal na raw niyang napapansin ang shop na matatagpuan sa J.P. Rizal Street, Concepcion Uno, Marikina, lalo na tuwing papunta siya sa Taytay kung saan siya nagsisilbing councilor. Kaya naman isang araw, naisipan niyang silipin na rin kung ano nga ba ang meron sa Maddox.





Pero ayon sa aktres, wala talaga siyang planong bumili nang araw na iyon.

Bilang isang ina, mas inuuna raw niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak. At kung may matira man sa budget, madalas ay napupunta pa sa pagtulong sa kanyang mga constituents.


Pero siyempre, iba talaga kapag nakita mo na nang personal ang mga alahas. Hindi napigilan ni Cai ang paghanga nang makita niya na magaganda na nga ang designs, abot-kaya pa ang presyo ng mga jewelry pieces ng Maddox Jewelry.

Sa naging pagbisita niya, nagkaroon din ng exclusive chikahan si Cai kasama si Maddox Jewelry founder Ms. Charo Cordial, na kilala rin sa kanyang engaging at friendly hosting sa live selling ng brand.


Sa kanilang kuwentuhan, nag-open up ang aktres tungkol sa ilang personal na isyu sa kanyang buhay—kabilang na ang kanyang marriage, custody issues, at maging ang mga lumang intriga na naiuugnay sa kanya noon sa actors na sina Baron Geisler at Tom Rodriguez.


Ano nga ba ang buong kuwento ni Cai?


Mapapanood ang buong interview sa YouTube channel ng Maddox Jewelry at sa official Facebook page ng brand, na sinusubaybayan na ng mahigit 1.6 million followers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page