top of page
Search
  • BULGAR

Wala pa ring talo ang Lyceum sa Collegiate Esports S1

ni MC - @Sports | July 17, 2022




Hindi pumapayag ang heavy-favorite Lyceum of the Philippines University na talunin sa Season 1 ng Collegiate Center for Esports (CCE) makaraang kumulekta pa ng tatlong panalo sa ikalawang linggo.


Matapos walisin ang unang tatlong laban kontra Mapua, Arellano, at CSB sa opening week, sinunod na biniktima ng Lyceum ang San Sebastian, EAC, at San Beda University para sa malinis na 6-0 card.


Sa likod ng walang bahid na record, ang pinakamalaking panalo ng Lyceum ay ang laban sa Stags na pareho niyang unbeaten at natapos nila ang laban sa 23 minutes.


Sakalam si Jungler Mark Kenneth “Mark” Delos Reyes sa Lyceum, nagpakawala ng 12 kills at 16 assists laban sa 4 deaths kontra duwelo laban sa San Sebastian. Siya rin ang nakasungkit ng MVP honors sa tatlong laro.



Samantala, bumubuntot sa Lyceum ang San Sebastian nang talunin ang Arellano at College of St. Benilde sa 5-1 record. Kasunod ang CSB, San Beda, EAC, Mapua, at Letran sa pare-parehong 3-3 cards para sa logjam sa gitna ng standings kung saan ang Arellano (2-4) at Jose Rizal U (2-4) at winless University of Perpetual Help System Dalta (0-6).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page