Wala pa ring prangkisa… OGIE, NAGSALITA NA SA PAGBABAWAS NG HOSTS NG IT’S SHOWTIME
- BULGAR

- 10 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 27, 2026

Photo: YT Its Showtime
Usap-usapan ngayon ang umano’y posibilidad ng pagbabawas ng mga hosts sa noontime show na It’s Showtime (IS).
Kabilang sa mga nadadawit sa tsismis sina Ion Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, Amy Perez, at Kim Chiu.
Gayunman, pinabulaanan ito ni Ogie Alcasid. Aniya, wala siyang naririnig na planong magbawas ng mga hosts ang management.
“Wala naman akong naririnig na ganu’n,” diretsong pahayag niya.
Sa ngayon, nananatili lamang itong haka-haka at wala pang kumpirmasyon tungkol sa naturang isyu.
Isa sa mga posibleng dahilan kung bakit lumabas ang ganitong usapin ay dahil marami umano ang mga hosts ng programa kaya may mga nag-iisip na maaaring magkaroon ng ‘streamlining’ (posibleng pagbabawas ng hosts o pagre-reorganize ng lineup para mas maging manageable ang programa).
May ilan ding naniniwalang konektado ito sa patuloy na mga adjustments ng network matapos mawalan ng prangkisa.
Dagdag pa rito, may ilang hosts na hindi na regular na napapanood araw-araw kaya lalong lumalakas ang espekulasyon.
Sa kabila nito, iginiit ni Ogie Alcasid na nananatiling matatag ang samahan ng mga hosts sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng show at ng network.
Ex-BF, suwerte raw na nakuha ang aktres…
ASHLEY, MASAYA PARA KINA MAYOR MARK AT KATHRYN
TAHASANG tinanong ni Boy Abunda ang aktres na si Ashley Ortega sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) tungkol sa kanyang reaksiyon sa napapabalitang relasyon ni Kathryn Bernardo at ng ex-boyfriend niyang si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Una niyang ipinahayag ang paghanga kay Kathryn bilang kapwa artista. Aniya, masaya siya para kina Mark at Kathryn at wala siyang negatibong nararamdaman tungkol dito.
“S’yempre si Kathryn kasi, I idolize her as an actress. So parang, oh, wow, ang suwerte naman ni Mark, nakakuha s’ya ng Kathryn Bernardo,” ani Ashley.
Ibinahagi rin niya na matagal na silang walang komunikasyon ni Mark matapos ang kanilang hiwalayan noong 2022 at hindi na rin sila nagkikita.
“It was mutual and ‘yun lang talaga, we just never bump into each other,” sey niya.
Dagdag pa ni Ashley, naka-move on na siya at masaya na rin sa kanyang personal na buhay ngayon kaya wala siyang dahilan para magkimkim ng sama ng loob.
“I’m just happy for them kasi it’s been years na rin and finally, nakahanap na s’ya ng mabuting decent girl. So I’m happy for both of them,” dagdag niya.
Nilinaw din niyang hindi na sila magkaibigan ni Mark matapos ang kanilang breakup, pero kung sakaling magkita silang muli ay magiging maayos pa rin siya rito.
“Siguro, if dumating ‘yung time na we’re gonna bump into each other, of course I’m gonna say hi,” ani Ashley Ortega.
TILA naghahanda na si KC Concepcion para sa mas aktibong pagbabalik sa limelight.
Aniya, “I’m excited to work on my sexy body hanggang makuha ko na ‘yung look na gusto ko. ‘Pag napapanood ko ‘yung sarili ko, gusto ko ‘yung meron akong particular na hitsura na hinahabol.”
Bagama’t wala pa siyang opisyal na comeback announcement, kapansin-pansin sa kanyang recent interviews na bukas siya sa muling pagtanggap ng hosting job at iba pang mga projects.
Ayon kay KC, hindi niya ito tinitingnan bilang ‘comeback’ kundi paghihintay lamang sa tamang proyekto.
Matatandaang pansamantala siyang lumayo sa showbiz dahil sa burnout, pagdadalamhati, at ilang health struggles matapos mawalan ng mahal sa buhay.
Ibinahagi rin niyang dumaan siya sa chronic fatigue kaya minabuti muna niyang unahin ang kanyang sarili.
Sa kasalukuyan, nakatuon si KC Concepcion sa wellness at fitness sa pamamagitan ng Pilates, healthy lifestyle, at regular workout routines habang unti-unti ring bumabalik ang kanyang visibility sa media at mga events.
Samantala, iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizens tungkol sa posibilidad ng pagbabalik ni KC Concepcion sa industriya. May mga excited na muling mapanood siya, habang may ilan ding nagsasabing magiging mahirap ang kompetisyon dahil marami nang bagong artista.





Comments