top of page
Search
  • BULGAR

Wala pa ang mga branded shoes… KOLEKSIYON NI KIM NG LUXURY BAGS, NASA P100 M NA!

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 19, 2024




Maraming napa-‘wow’ nang ipakita ni Kim Chiu ang kanyang collection ng branded bags na may milyun-milyon ang halaga dahil may Hermes, Louis Vuitton, Gucci, Balenciaga, Prada Chanel at Celine.


Sa Hermes bags na lang ay milyones na ang halaga. Aminado naman si Kim na malaki ang nagastos niya rito, bukod pa sa ibang mamahaling brands. 


Pero, masaya naman siya sa kanyang bag collection. Pinaka-reward na raw niya ito sa kanyang sarili.


Kung susumahin lahat ang halaga ng mga branded bags ni Kim, posibleng umabot ito sa P100 M. 


Bukod pa ang collection niya ng branded rubber shoes.


May ilang netizens naman ang nag-comment na sana raw ay itinulong na lang ni Kim sa mahihirap ang ipinambili niya ng mga bags na may milyones na halaga. 


May ilan ding nagsasabing ipinagyayabang lang ng Chinita Princess ang kanyang bag collection at gustong mang-inggit.


Pero meron namang nagtatanggol kay Kim at sinabing deserve niya na bumili ng mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.


Besides, pinagpaguran naman niya ang ipinambili sa mga bags na gusto niya at lingid sa kaalaman ng marami, may mga charity projects din si Kim. Marami na siyang natulungan, 'di lang niya isinasapubliko ito.


0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page