top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wala nang career sa 'Pinas… LIZA, WA' PAKI SA LAKI NG PUSON, HUMAHABOL SA KATAWAN NI KC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2022
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 3, 2022



And speaking of insecurity, it seems wala ring pakialam si Liza Soberano kahit obviously ay medyo nag-gain siya ng weight at parang humahabol siya sa laki ng katawan ni KC Concepcion.


As we all know, iniwan ni Liza ang career niya rito sa 'Pinas para mag-start ng career sa Hollywood na siyang pangarap niya.


Sa latest Tiktok video nila ng co-star niya sa Lisa Frankenstein film na si Kathryn Newton, maraming netizens ang nakapuna sa malaki at nakaumbok na puson ni Liza sa suot niyang powder blue Halloween costume.


May mga netizens tuloy ang nag-comment na siguro raw ay walang stylist si Liza abroad para mag-advise sa kanya na hindi fit sa kanya ang isinuot na costume at nagsusumigaw nga ang laki ng kanyang puson.


Hindi na rin kami magtataka kung may mga netizens ang magdudang baka buntis si Liza dahil nga malaki ang kanyang katawan ngayon.


Pero tulad nga ng sinabi namin, parang hindi naman conscious si Liza sa kanyang body figure ngayon. Kaya lang, hindi kaya madismaya sa kanya ang mga manonood ng kanyang pelikula kung hindi makokontrol ni Liza ang kanyang pagtaba?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page