Wala nang bayani sa Bulacan, mga korup na opisyal na lang, buwisit!

ni Ka Ambo - @Bistado | November 17, 2020
Nagsisilutang na ang mga bangkay sa Cagayan, Isabela area.
Sumalangit nawa!
◘◘◘
Halos lumulubog na rin ang Bulacan at Pampanga.
Airport pa more!
◘◘◘
Nasaan si Ramon Ang habang bumabaha sa Pampanga at Bulacan?
Ang multi-bilyunaryo ay waley!
◘◘◘
Pagsisihan ng mga LGU executives ang pakikipagkutsaba sa pagtatayo ng Bulacan airport.
Bakit?
Sapagkat ang 3 national h-ways na bumabagtas sa lalawigan—old MH del Pilar national road; McArthur h-way at NLEX ay magiging “bagong Cagayan Valley” tuwing tag-ulan!
◘◘◘
Ang mga ugok at korup na DENR officials ay bigo para pigilin ang pagtatayo ng airport.
Ang Marikina at Montaban ay malilipat sa kapatagan ng Bulacan.
Anu-ano ang kapatagan sa Bulacan?
Ito ay magsisimula sa Valenzuela City, Obando, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Plaridal, Bulacan, Malolos, Hagonoy, Paombong at maging ang Calumpit, Pulilan at Baliwag.
Lahat ng mga bayang nabanggit—ay maging “lambak”!
◘◘◘
Ano ang lambak?
Ang lambak ay katagang Tagalog katumbas ng “valley”.
Ang valley ay porma ng kalupaan na nasa pagitan ng dalawang mataas o matayog na lugar na karaniwan ay bundok, gulod o artipisyal na tinambakan para sa modernong imprastruktura!
◘◘◘
Ang bandang norte ng Bulacan—ay binubuo ng bulubunduking bayan o mga bayan na nasa paanan ng Sierra Madre.
Kabilang sa matataas na lugar na ito ang San Jose del Monte City, Norzagaray, Sta Maria, Angat, Pandi, Bustos, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel at DRT—d’yan magmumula ang tubig ulan—paibaba sa “New Bulacan valley area” na mga kapatagan bayan!
◘◘◘
Ang Bulacan airport ay itatayo sa Taliptip, Bulacan—pero ang mga kahangga o katabing lugar tulad ng Obando, Meycauayan, Malolos, Paombong at Hagonoy ay tatambakan din ng mga “real estate developers”.
Pinapakyaw na mga buwitreng “real estate developers” ang mga ekta-ektaryang palaisdaan sa dalampasigan ng Bulacan.
Ibig sabihin—ang lugar ng dalampasigan ng Bulacan—at tataas ang elevation at maiiwang bilang “lambak” ang mga bayan sa 3 national hi-ways na ating binanggit!
◘◘◘
Nabobo ang mga miyembro ng Sangguniang Panglalawigan at Sangguniang Bayan dahil natatakam sila sa “biyaya” na ibibigay ng mga developer para hindi kontrahin ang Bulacan airport.
Ang mga kokontra sa pagtatayo ng airport ay babansagang komunista at kalaban ng gobyerno—kaya’t marami ang nananahimik!
◘◘◘
Wala nang bayani ngayon sa Bulacan.
Karaniwan ay mga korup at hindi nangingilam sa hinaharap ng kanilang mga apo at kaapu-apuhan!
◘◘◘
Ang nararanasan ng Marikina, Montalban, Isabela at Cagayan—ay unti-unti nang nararanasan sa mga kapatagan bayan ng Bulacan.
Nakapagtatakang kinukunsinte nila ang pagtatayo ng Bulacan airport.
Nakakapanindig balahibo ang kamangkamangan!





Comments