top of page
SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz.jpeg

Wala na raw paki sa sasabihin ng iba… JANELLA, PROUD NA IPINAGSIGAWANG GF NIYA SI KLEA

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 26, 2026



janella Salvador at Klea Pineda - IG

Photo: janella Salvador at Klea Pineda - IG



Wala nang itinatago at lalong walang planong magpaliwanag ang singer-aktres na si Janella Salvador sa mga taong hindi tanggap ang kanyang kaligayahan ngayon. 

Diretsahan nang kinumpirma ng aktres na girlfriend niya ang aktres na si Klea Pineda at wala na siyang dahilan para itago pa ang kanilang relasyon.


Sa launch ng kanyang pagiging bagong Calendar Girl ng isang liquor brand, dumalo si Klea upang ipakita ang suporta kay Janella.


“Yeah, that’s my girlfriend,” diretsahang pag-amin ni Janella nang matanong tungkol sa aktres.


“I’m happy. Everyone knows that. Happy na ‘yun. And like I said, wala na akong itinatago. So this is me. Take it or leave it,” dagdag pa niya.


Hindi maitago ni Janella ang tuwa sa pagdating ni Klea dahil hindi raw niya inaasahang pupunta ito sa kanyang launch.


“Grabe ‘yung support n’ya. ‘Di ko nga in-expect na magso-show up s’ya tonight. I told her na, ‘You don’t have to be here,’ but she’s still here. So I’m really happy that she showed up,” kuwento niya.


Sa puntong ito ng kanyang buhay, masaya raw si Janella dahil natanggap na niya nang buo ang kanyang sarili at hindi na natatakot na ipakita kung sino talaga siya.

“I feel like malaking factor ‘pag natanggap mo talaga ‘yung sarili mo. It will just show. ‘Pag masaya ka talaga sa buhay mo, makikita ‘yun,” paliwanag niya.


Aminado rin ang aktres na hindi naging ganoon kadali ang lahat noong mas bata pa siya.

“In my younger years, it would have been harder, but that’s exactly why growth and maturing is so important. Because I feel like right now, I’m just so at peace with who I am,” aniya.

Sey pa niya, “Wala na akong inhibitions. I’m not afraid to show everyone who I really am and what makes me happy, who makes me happy. I’m finally free, and I’m glad to be able to share that with everyone.”


Wala rin siyang balak magpaapekto sa mga taong hindi sang-ayon sa kanyang mga desisyon at sa kalayaang tinatamasa niya ngayon.


“So what? So what if there are people who don’t approve? They’re not my people,” matapang na sagot ni Janella.


Samantala, hindi lamang tungkol sa kanyang personal na buhay ang pinagtuunan ng pansin sa Calendar Girl launch.


“If you’ve noticed, I’ve been working out a lot. I’ve been taking care of my health mostly, not just my figure, but my health talaga. So I’m glad na nag-reflect ‘yun sa photos,” saad niya.

Mahalaga rin kay Janella ang LGBTQIA+ representation sa kampanya, lalo na ang konsepto nitong pag-uugnay sa male at female gaze.


“I wouldn’t want to do anything that would hinder me from being my true self,” aniya.

Sa mga calendar layout naman, ang may ahas ang napili niyang pinakanagpapakita ng kanyang personalidad, na nagpapaalala rin sa kanyang karakter na si Valentina sa Darna.


“Matapang talaga ako as a person,” sey niya.

Hindi rin isinasara ni Janella ang posibilidad na magkaroon ng mga inang sasali sa beauty pageants. Bagama't hindi pa niya naiisip na sumabak sa ganitong kompetisyon, naniniwala siyang hindi dapat maging hadlang ang pagiging ina sa pagsali rito.

“I think any woman is eligible to join a beauty pageant because beauty comes in different forms. So yeah, why not, ‘di ba?” pahayag niya.


Sa kabila ng mga pinagdaanan, nagpapasalamat naman si Janella dahil patuloy siyang nabibigyan ng pagkakataong gawin ang trabahong mahal niya.


Aniya, “I’m just so thankful that after everything I’ve been through, I’m still here. I’m still doing what I love, I’m still being blessed left and right, I’m receiving opportunities. I’m really, really thankful that I’m able to do what I love until now.”


Sa 2027 naman ay inaasahang mapapanood ang kanyang proyekto na The Good Doctor, na posibleng maipalabas sa susunod na taon.





Bagong dyowa raw, Joem?

MERYLL, INAMIN ANG KASAMANG AFAM SA PIKTYUR



May kumakalat na balitang may bagong dyowa raw na AFAM ang aktres na si Meryll Soriano. Agad naman itong nilinaw ng anak ni Willie Revillame matapos mapansin ng isang netizen ang lalaking kasama niya sa kanyang Instagram (IG) video.


Tanong ng isang netizen, “Bagong dyowa n’ya ba ay AFAM na? Ekis na ang mga Pinoy?”


Diretsahan naman itong sinagot ni Meryll.

“Gay po s’ya. My friends from when I stayed there. One of my London besties,” sey ng aktres.


Ang naturang video ay tungkol sa unang pagbili ni Meryll sa MishMash, isang brand na matagal na niyang gustong mabili.


“I love their stuff sooooo much!” saad pa niya sa caption ng kanyang post.

Nagpasalamat din ang aktres sa kaibigang si @dzikusan na tumulong sa kanya sa pagbubukas ng package.


Sa panayam sa aktres kamakailan, ibinahagi niyang maayos na maayos ang pagsasama nila ng aktor na si Joem Bascon, lalo na sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.


Dalawa ang anak niya, isa sa ex-husband niyang si Bernard Palanca at isa kay Joem. 


Itinuring na ring anak ng aktor ang panganay ni Meryll na si Eli.

Ipinagmalaki rin nito ang pagiging hands-on ni Joem bilang ama sa kanilang anak na si Gido.


Ayon sa aktres, pantay ang hatian nila sa mga responsibilidad sa pamilya. Kapag siya raw ang abala sa trabaho, si Joem ang nag-aalaga sa kanilang anak.

“We get to share the roles equally, so it’s good,” pahayag ni Meryll.


Hindi rin nila pinababayaan ang kanilang relasyon bilang magkapareha. Inamin ng aktres na madalas silang mag-date upang mapanatili ang kilig sa kabila ng pagiging abala sa mga anak.

Aniya, “Lagi kaming nagde-date.”


Sa kabila ng matagal na nilang pagsasama, hindi pa raw nila prayoridad ang pagpapakasal dahil mas nakatuon sila sa pangangailangan ng mga anak.

Nananatiling low-profile raw ang kanilang relasyon dahil mahalaga sa kanila ang privacy ng kanilang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page