Grabe raw ang inabot na trauma… XANDER FORD, PANGARAP NA MAKAPAG-SORRY KAY KATHRYN NA NILAIT NA “SAKANG” NOON

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 26, 2026

Photo FB Marlou Arizala & Kathryn Bernardo
Inamin ng social media personality na si Marlou Arizala, na mas nakilala noon bilang Xander Ford, na isa sa mga pangarap niya ang personal na makaharap ang aktres na si Kathryn Bernardo upang humingi ng tawad dito.
Sa panayam sa YouTube (YT) channel ng aktor-talent manager na si Ogie Diaz, ibinahagi ni Marlou ang ilan sa kanyang mga pangarap sa buhay. Kabilang dito ang makapasok sa Bahay ni Kuya at ang pagkakataong makaharap si Kathryn upang personal na makapagsabi ng sorry.
Ani Marlou, “Isa rin ‘yun sa mga pangarap ko. Bukod sa makapasok sa Bahay ni Kuya, makapunta sa harapan n’ya at makapagsabi ako ng sorry.”
“Sorry kanino?” tanong ni Ogie.
“Kay Ate Kathryn Bernardo,” sagot ni Marlou.
Kuwento ni Marlou, “Kasi ‘di ko alam kung hanggang saan ‘yung ano ko, eh, ‘yung lungkot, ‘yung trauma, ‘yung problema na dadalhin ko ‘to hanggang sa pagtanda ko na ‘di ako makahingi sa kanya ng sorry sa personal.
“‘Di ko narinig sa kanya na napatawad n’ya ako na maging okay kami kasi gusto kong sabihin sa kanya na s’yempre, katulad din ng iba, nagkakamali din naman ako.
“‘Di naman ako perfect at ‘yung time talaga na ‘yun, sobrang bata ko pa talaga nu'n na ‘di ko intensiyon s’yang laitin (na sakang).
“Talagang may nangyari lang talagang ‘di maganda sa ‘kin. Siguro, kumbaga, kung ano ‘yung ginawa sa akin ng ibang tao, ‘yun ‘yung nadala ko sa pagtanda ko."
“At least, pinagsisihan mo na at tanggap mo na nagkamali ka,” sey naman ni Ogie.
Well, at least, natuto na si Marlou sa kanyang pagkakamali.
BONGGA ang naging ganap sa live broadcast ng Star Magic sa TikTok nang ibahagi ng dating Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemate na si Calix Esguerra na nagulat siya nang malaman niyang marami palang sumusuporta sa tambalang JeoLee (Jeo Ong at Gehlee Dangca), dahil sina Ethan Benares at Gehlee ang mas napapansin nilang i-ship noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.
Ayon kay Calix, hindi niya inaasahan na paglabas niya ng bahay ay malalaman niyang ganoon karami ang mga supporters ng JeoLee.
Ikinuwento rin niya na sina Ethan at Gehlee ang mas napapansin nilang sweet sa isa’t isa sa loob ng PBB house, lalo na nang gumawa ang mga ito ng kanta.
Ani Calix, “Alam n'yo ba, nu’ng time na paglabas ko, ‘di ko in-expect na meron palang JeoLee. Kasi, ito talaga ‘yung nangyayari sa loob para may alam kayo.
“So, ang nangyari talaga sa loob, ang isini-ship talaga namin, na parang akala namin sina Gehlee and Ethan. Kaya nila isini-ship, kasi alam n’yo ‘yung meron silang parang song na ginawa?
“So that time, parang s’yempre, sabi namin, ‘Parang sweet naman nila. Bakit gumawa sila ng song?’ Ako naman, supportive ako sa kanila, eh. Sinasabayan ko ang mga trip nila.
“Pero ‘di ko lang talaga in-expect na may mga JeoLee pala na mga fans na sobrang… sobra-sobrang lala, sobrang daming support. Kasi sa loob, parang ‘di ko lang s’ya ma-imagine. Ang daming love team. ‘Di namin in-expect sa loob na may mga ganu’n pala.
“Kaya for sure, ‘yung mga lalabas for the next week or the next, next week, talagang magugulat sila kasi wala talaga kaming alam sa outside world.
“Talagang magugulat ka talaga na ganito na pala ‘yung nangyayari, na ganito na pala ‘yung parang sinasabi sa ‘yo, na ganito na pala ‘yung parang mga (tingin ng tao) sa ‘yo. Iba talaga.”
Well, ibang-iba talaga ang mundo sa loob at labas ng Bahay ni Kuya.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments