After ng hiwalayan kay Mikee… PAUL, IBINUKING NG PADIR NA SINGLE PA RIN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 26, 2026

Photo: FB Paul Salas
Maganda ang ginagawa ng programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kung saan hinahanap at igine-guest nila ang mga artistang hindi na gaanong napapanood sa telebisyon.
Gaya ng grupong UMD (Universal Motion Dancers) na sumikat noong dekada ‘90 matapos madiskubre ng Eat…Bulaga!. Kabilang sa grupo ang kambal na sina Jim at James Salas.
Si Jim ang tatay ng Kapuso actor na si Paul Salas, na ex-BF ni Mikee Quintos. Four years tumagal ang relasyon nina Mikee at Paul.
Nabanggit ni Jim na nalungkot siya at nanghinayang nang mag-break ang dalawa. Napakabait daw kasi ni Mikee at akala niya ay sila ni Paul ang magkakatuluyan.
Kuwento pa ni Jim, hanggang ngayon ay single pa rin ang kanyang anak at walang bagong GF na ipinakikilala. Hindi rin niya alam ang dahilan ng hiwalayan nina Mikee at Paul.
Wish niyang magkabalikan ang dalawa kung sila talaga ang para sa isa’t isa.
Samantala, naikuwento rin nina Jim at James na noong kasikatan ng UMD ay sabay pa silang nanligaw kay Sharmaine Arnaiz. Nanligaw din si James noon kay Sunshine Cruz. Si Jim naman ay nanligaw din kina Ara Mina, Rufa Mae Quinto at iba pa mula sa That’s Entertainment.
Itinanggi ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega ang balitang nag-break na sila ni Miguel Tanfelix dahil nag-solo trip ang aktor sa South America.
Sa GTV program na Chika Cart, nilinaw ng aktres na walang katotohanan ang breakup rumors.
Ayon kay Ysabel, nakasanayan na ni Miguel ang magbakasyon nang solo sa mga bansang gusto niyang marating. Backpacker lang ang aktor na taun-taon ay birthday gift niya sa kanyang sarili.
Naiintindihan naman ni Ysabel si Miguel kung gusto nitong magbiyahe nang solo. May pagka-adventurous kasi ito at nag-e-enjoy sa pag-iikot at pamamasyal nang mag-isa.
May regular communication naman sila kapag nasa abroad si Miguel. Araw-araw itong tumatawag kay Ysabel.
Samantala, sa action-drama series na Taskforce Firewall, maraming viewers ang labis na naaapektuhan dahil nagkaroon ng samaan ng loob sina Isa (Kylie Padilla) at Galo (Miguel Tanfelix) dahil sa isang pangyayari sa kanilang nakaraan. Apektado tuloy ang iba pa nilang kasamahan.
SOBRANG thankful ang aktres-singer na si Tina Paner na napasama siya sa mga inductees sa Walk of Fame Philippines 2026.
Para sa isang artistang tulad niya, isang malaking karangalan ang mabigyan ng sariling star sa Walk of Fame, kahanay ng mga sikat na celebrities.
Deserve naman ni Tina ang mabigyan ng pagkilala dahil sa mahigit na apat na dekada ng kanyang pamamalagi sa showbiz.
Matagal siyang naging bahagi ng That’s Entertainment. Sumikat din nang husto ang ‘Triplets’, ang grupo nila nina Sheryl Cruz at Manilyn Reynes.
Well, wala man siyang nakamit na mga acting awards, marami naman siyang nagawang pelikula at nakapag-record ng mga awiting sumikat.





Comments