top of page

Wala na raw magagawa… IVANA, NAGSALITA NA SA PAGKAKATSUGI SA SERYE NI COCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2, 2024
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 2, 2024


Showbiz News
Photo: Ivana Alawi / IG

Nagsalita na si Ivana Alawi tungkol sa isyung may attitude problem siya kaya siya tsinugi sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


“‘Yung sinasabi na umaalis ako na hindi pa tapos ‘yung taping, I’ve never done that. Unang-una, alam ko na malaki ang cost ng production so kahit lumagpas ako ng oras, wala akong commercial the next day, walang problema,” paglilinaw ni Ivana sa panayam ni MJ Felipe.


“Hindi ako nagsasabi na ‘O, tapos na tayo, aalis na ‘ko.’ Hindi ako ganu’n kasi may production cost. Everyone’s working, hindi lang ako, so bakit magdedepende ako sa sarili ko na ayoko na, eh, tapos na oras ko, so I respect everyone,” dagdag niya.


“‘Yung attitude problem, ‘di ko alam, eh. Alam mo kasi, isa sa mga problems ‘yung face ko,” natatawa pa niyang sey.


Biro pa niya, siguro nga raw ay ipinanganak siyang may attitude face.


“Ito ‘yung normal, ha, kapag hindi ako naka-smile. I was born with an attitude face siguro, ‘di ko alam,” aniyang natatawa.


Samantala, winasak ng FPJ’s Batang Quiapo ang sarili nitong online viewership record sa pamamaalam ng karakter ni Ivana last Tuesday. Nakakuha rin ito ng iba’t ibang trending topics sa social media. 


Nakapagtala ang naturang episode ng all-time high na 610,927 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT). Nakamit ng serye ang panibagong online record sa dalawang magkakasunod na gabi at ito rin ang kauna-unahang beses na lumagpas ito sa 600,000 views, para sa mga sabay-sabay na nanonood.


Tinutukan ng mga manonood ang emosyonal na episode kung saan nadurog ang puso ni Tanggol (Coco), matapos makitang duguan at wala nang buhay si Bubbles (Ivana).


Hindi na kasi naabutan ni Tanggol nang pagbabarilin ni David si Bubbles hanggang sa hindi na nito kayang makipaglaban. 



Kinokondena ni Andrea Brillantes ang mga pet owners na pinabayaan ang kanilang alagang hayop na malunod na lang sa baha sa kasagsagan ng bagyong ‘Carina’.


Sa latest Instagram (IG) post ni Blythe ay ipinakita niya ang mga larawan ng nakahahambal na sinapit ng mga asong nalunod sa baha nang walang kalaban-laban dahil nakakulong ang mga ito. 


Ang isang litrato ay makikita naman ang bangkay ng isang aso na nahukay sa putikan. 


Nag-upload din si Andrea ng larawan ng kanyang mga pinakamamahal na fur babies.


“Rain or shine, I can never leave my pets behind. They are more than just pets; they are companions, partners, and friends. They are family,” simula ng aktres.


Kasunod nito ay sinabi niyang labis niyang ikinalulungkot ang mga namatay na fur babies sa bagyo dahil sa kairesponsablehan ng mga pet owners na ikinulong ang mga ito or ‘di kaya ay itinali at inabandona.


“Sorry, I know I am a bit late for this. I am saddened by the fur babies whose lives were taken away by this typhoon due to irresponsibility. People caged them, tied them up, and abandoned them,” aniya.


Kaya naman tinalakan niya ang mga iresponsableng pet owners.


“If you cannot take responsibility for the lives of your pets, then please don’t let them suffer like this,” aniya.


“My heart also goes out to everyone who was affected by the typhoon, both humans and pets,” saad pa ni Blythe.


Nanawagan din ang aktres ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo, tao man o hayop.


“At the end of this slide, there are donation links where we can all help those who suffered from this typhoon. May we all have accountability and help one another,” panawagan ni Andrea.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page