Waiter, pinahiran ng icing ng cake… SIGAW NI DJ MO: ALEX, LASING, STUPID AT NARCISSIST
ni Nitz Miralles @Bida | January 18, 2023

In fairness kay Alex Gonzaga, hindi nito dine-delete ang mga comments ng mga netizens sa ginawa niyang pagpahid (sabi ng iba, sampal) ng icing ng cake sa waiter na may hawak ng birthday cake sa kanyang celebration.
Nababasa ang mga comments na “bastos,” “walang respeto,” “squatter,” “trash attitude,” “walang GMRC,” “insensitive,” “not acting her age,” at iba pang masasakit na salita.
Pero si Dani Barretto na nag-post ng video, umiwas ma-bash at dinelete ang video nang i-call ang kanyang attention.
Isa sa mga nag-comment si DJ Mo Twister na tinawag si Alex na “drunk,” “stupid,” at “narcissist.”
Tweet pa ni DJ Mo, “Come on guys. She was drunk... and stupid. Drunk and stupid. And a narcissist,” at inulit pa nito ang mga itinawag kay Alex.
Nag-agree ang mga nakabasa ng tweet ni Mo at may mga comments din sila sa ginawa ni Alex sa waiter na hinahanap ng marami ngayon. Sana raw, ma-interview ang waiter na ngumiti sa ginawa sa kanya ni Alex.





Comments