'Wag na raw pansinin ng mga fans… SIGAW NI KRIS: MEL, TAMA NANG SUMIKAT KA DAHIL SA AKIN!
ni Nitz Miralles - @Bida | January 28, 2022

Pakiusap ni Kris Aquino sa kanyang mga supporters, ‘wag nang palakihin ang isyu sa paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento. Kaya lang daw siya nagsalita, hindi na niya kayang manahimik dahil ramdam niyang sobrang unfair ang paggawa ng story para lang palabasing “close” sina Mel at former President Noynoy Aquino (SLN).
“By now you know me, pintasan ako, mag-imbento tungkol sa 'kin — 99 % of the time, kaya kong dedmahin. But kung ang naapakan na, 'yung legacy & memory nu'ng namatay na in my family (so now that’s my dad, mom, and Noy), pumapalag talaga ‘ko.
“He already had his time in the spotlight - so let him go back to the life he wanted - 'yung may relative anonymity.”
Dagdag pa ni Kris, “Anyway, sure naman ako, sa nagawa niya kay “bunso”, si Noy na ang bahala sa kanya. Because I found out so much after Noy’s death about everything he did to make sure in the event na mawala siya - si bunso at mga anak niya, kailanman hindi puwedeng pabayaan. So my heart is at peace. Deal okay, dedma na kayo sa kanya? He doesn't deserve your attention.”
Nangako ang mga supporters ni Kris na susundin ang pakiusap niya at hindi na pag-uusapan pa ang kanyang ex-fiancé. Magmu-move on na raw sila at pagtutuunan nila ng pansin ang patuloy na pagdarasal sa paggaling ni Kris.





Comments