top of page

‘Wag na raw ipilit ang relasyon ‘pag ‘di na puwede… SEN. ROBIN, PABOR SA DIVORCE SA ‘PINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 16, 2026



Robin Padilla - FB

Photo: Robin Padilla - FB



Sa social media post ng aktor na si Sen. Robin Padilla ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin tungkol sa pagsulong ng panukalang batas para sa diborsiyo sa Pilipinas.

Saad ni Sen. Robin, “Ang panukalang ito ay ‘di tungkol sa paghihiwalay ng pamilya, kundi sa pag-amin na may mga relasyon na ‘di na naaayos at maaaring magdulot ng mas matinding pinsala kung ipipilit pa.


“Sa SB No. 14, kinikilala po natin ang karapatan ng bawat isa sa ligtas, makatao, at makatarungang pagwawakas ng kasal, lalo na kung ang kapalit ng pananatili ay abuso, sakit, at panganib.


“At higit sa lahat, nananatiling sentro ng batas ang kapakanan ng mga bata.”

Anyway, sa comment section ng post ni Sen. Robin ay marami ang sumang-ayon.

Saad ng netizen, “Maraming salamat po, Sen. Robin Padilla. Marami po ang umaasa na maipatupad na itong divorce bill. Panahon na para maging open-minded ang Pilipinas.”

Samantala, may isang netizen ang nagtanong tungkol sa gastos.


Sey ng netizen, “Idol, Senator Robin, may bayad po ba ang divorce? 14 years na po kaming hiwalay. Tanong ko lang po sana.”


Well, sana ay masagot ni Sen. Robin Padilla ang tanong ng netizen.





Game sa pa-morning-ang chikahan… NOVA, 80-ANYOS NA, TODO-SAYAW AT KANTA PA RIN



ANG singer-actress na si Manilyn Reynes at ang komedyanteng si Ai Ai Delas Alas ay nagpahayag ng birthday message para sa mahusay na veteran actress na si Nova Villa.


Saad ni Manilyn sa post niya, “Sa aking mommy (Ate Jen, makiki-mommy muna ako. Hihihi) at kaibigan hindi lang sa industriya, lalung-lalo na sa pananampalataya. Mommy Novs @nova.gallegos.5, maligayang kaarawan po.


“Gusto ko pong magpasalamat sa Panginoon sa pagpapaalala sa akin na may mga taong magpapaalala sa akin ng Kanyang kabutihan, mga pangako at pagmamahal, isa po kayo ru’n. Laging puno ang puso ko ‘di lang ng tawa tuwing magkasama tayo, kundi ng baong aral tungkol sa buhay at kay God. Kahit abutin po tayo ng madaling-araw talking about how great God is, wala pa ring humpay.


“Mahal po namin kayo ni Aljohn at ng mga bata. Happy birthday po uli.”

Samantala, sa social media post ng Comedy Queen na si Ai Ai ay nagbahagi siya ng video clip kung saan makikita ang birthday celebrant na si Nova Villa na masiglang sumasayaw at kumakanta.


Sey ni Ai Ai, “Celebrating 80 beautiful years of a truly remarkable woman.

“A brilliant comedienne, my idol, who brought laughter to so many, yet lives her life with quiet strength, deep faith, and unwavering love. A devoted Catholic, a papal awardee, and above all, a faithful wife who has selflessly cared for her husband through the years. Your life is a testament to grace, compassion, and resilience.


“You have inspired not just through your talent, but through your heart. Today, we celebrate you, your kindness, your sacrifices, and the joy you continue to give to the world.


“May your 80th birthday be filled with the same love and happiness you’ve so generously shared with others. You deserve nothing less than a truly beautiful celebration. I love you always, Tita Novs. God bless you more.”

Happy birthday, Nova Villa! God bless you.





ULTIMATE summer love experience ang handog nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang poster launch ng upcoming film na Tayo Sa Wakas (TSW) na gaganapin sa grand outdoor party na ‘Summer for Reel’ sa Abril 18, 5 PM, sa Red Coconut Beachfront, Station 2, Boracay.


Bukod sa poster reveal, tampok din dito ang special screening ng pelikula nilang An Inconvenient Love (AIL). Ginampanan nina Donny at Belle sa pelikula sina Manny at Ayef, dalawang taong pumasok sa isang relationship of convenience na may expiration date upang iwasan ang komplikasyon ng seryosong commitment. 


Habang papalapit ang kanilang deadline, mapipilitan silang harapin ang tunay nilang nararamdaman at sumugal para sa pag-ibig.


Handog ng Cinema One at ABS-CBN Events ang Summer for Reel na magtatampok ng musical performances mula kina Angela Ken at Jarren Garcia. Makakasama rin dito sina Emilio Daez at Aiyana Perlas bilang host.


‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page