top of page
Search
  • BULGAR

'Wag na raw bigyan ng trabaho… KIT, IPINABOBOYKOT DAHIL SA PAMBUBUGBOG SA GF

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 23, 2022



Nakalaya na si Kit Thompson pagkatapos madetine sa Tagaytay Component City Police Station noong Biyernes nang umaga.


Nakalabas siya ng presinto noong Lunes, kaya ilang araw ding nag-stay sa kulungan ng Tagaytay Police Station ang aktor.


Ang tanong ng showbizlandia, paglabas ni Kit ng presinto, ano na ang mangyayari sa kanyang career pagkatapos ng iskandalong pananakit sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni?


Maingay na ang mga netizens sa pagka-cancel sa kanya bilang aktor.


“This guy should be cancelled hard. No but no ifs. He should never be hired and should never make an appearance ever again. In fact, no employer in their right mind should ever hire him for any kind of job. He should be embarrassed. No one should tolerate this kind of abuse.”

Kung ang mga ganitong mensahe ang pakikinggan ni Kit, mahihirapan talaga siyang bumongga pa ulit ang kanyang career.


Pero kung papakinggan niya si Maestro Honorio Ong na nagbasa ng kanyang destiny number and ruling planet, tiyak na matutuwa si Kit.


Nakausap namin si Maestro Honorio sa #CelebrityBTS Bulgaran Na! online show sa Facebook page ng BULGAR noong Sabado, 11 AM.


Ayon kay Maestro Honorio, base sa destiny number ni Kit, sadyang daranas ang aktor ng mabibigat na pagsubok sa buhay. Pero malalampasan daw ito ni Kit kapag nagpatuloy siya sa kanyang buhay.


May kapalit daw na magandang kapalaran ang gaya ni Kit pagkatapos dumaan sa unos ng buhay. Basta 'wag lang siyang bibitaw at matapang na harapin ang consequence ng kanyang kinakaharap na problema.


Tingin naman namin kay Kit ay strong ang kanyang personality at ‘di basta-basta bumibigay sa problema.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page