'Wag lang para sa show… KC, PANGARAP NA MAGING FRIENDS NA TALAGA SINA SHARON AT GABBY
- BULGAR
- Aug 27, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 27, 2023

Excited na si KC Concepcion sa upcoming Sharon Cuneta-Gabby Concepcion concert sa Mall of Asia. Aniya, pangarap niyang makitang muli ang mga magulang na magkasama sa stage na masaya ang mga ito.
Ayon kay KC, mixed emotions ang kanyang naramdaman nang makarating sa kanya na may concert na gagawin ang parents niya. Lalo raw nang i-announce na ng mga magulang ang date at title ng kanilang concert, ang Dear Heart na mapapanood sa Oktubre.
Dear Heart din kasi ang title ng unang pinagsamahang movie nina Sharon at Gabby nu'ng 1981.
Ani KC, “Guys, alam n'yo, ako lang ang anak nila. So I don’t think na nararamdaman ng iba 'yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions siya. But of course, nananaig 'yung happiness ko kasi pangarap ko kasing makita 'yung parents ko na masaya na nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo, magkaibigan.
"So hopefully, guys, ipag-pray nating lahat na ito na 'yung start ng friendship nila. Hindi dahil gusto ko silang magkabalikan, don’t get me wrong. Hindi na. Pero just para happy, 'yung light lang. Ma-feel ko lang na (ganu'n). Kasi parents ko 'yan, eh. I always say para sa lahat, it’s a show. Pero para sa akin, guys, totoong buhay ko ito! (laughs)" ani ng "Mega Daughter".
Esplika pa niya, “I’ve been through my parents… their marriages now are not their first marriage. 'Di ba, it’s not the first time na ikinasal 'yung mommy ko or 'yung papa ko. So 'yun pa lang, meron na akong mga experience na nao-observe. So I think, it really helped me sa heart na dinala ko sa role ko. Hindi mo puwedeng i-limit 'yung sarili mo. Lahat puwede. So whether good, whether bad, hopefully good, you just do your best to enjoy the ride.”
Ilang concert tickets kaya ang binili ni KC to support her mom and dad? Just asking…





Comments