top of page
Search
  • BULGAR

'Wag lang mahiwalay kay Enrique... LIZA, 3 BESES TINANGGIHAN ANG DARNA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 31, 2023




Sa isang interview kay Liza Soberano matapos niyang magpaalam sa dati niyang manager na si Ogie Diaz, nabanggit niyang 3 beses niyang tinanggihan ang Darna project dahil ayaw niyang mabuwag ang LizQuen love team nila ng boyfriend na si Enrique Gil.


Ilang beses nga raw na ini-offer sa kanya ang Darna, pero hindi nga niya gustong paghiwalayin sila ni Enrique Gil.


At nang sumubok siyang mag-undergo ng martial arts training for Darna ay naaksidente naman ang kanyang daliri kaya kinailangan niyang magpagamot sa USA.


Kaya tuluyan na ngang napunta kay Jane de Leon ang Darna project.


Well, marami naman ang labis na nanghinayang nang hindi tinanggap ni Liza Soberano ang Darna.


Tiyak sanang umangat pa nang husto ang kanyang career at matatandaan siya ng publiko bilang isa sa pinaka-magandang Darna sa showbiz.


Sayang at pinakawalan ni Liza ang oportunidad na ito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page