‘Wag ipusta ang buhay para sa sandaling ligaya, awat muna sa party-party!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 23, 2020
Hindi lang COVID-19, kundi pati na rin bagyo’t pagbaha, pagsabog ng bulkan, at patayan.
Naging mahirap na karanasan ang 2020 para sa lahat. Marami ang nawalan ng buhay, at milyun-milyon naman ang nawalan ng hanapbuhay.
Napakarami sa ating mga kababayan ang hindi makita ang kabila ng lamlam at dilim na bumabalot sa kanilang buhay sa kasalukuyan.
Ngayong Pasko, ang dalangin nating, tayo sana mismo ang magsilbing tanglaw sa mga ating kababayan.
Hindi kailangan ng grand gesture para rito. Hindi rin kailangang materyal na bagay.
Ang mas mahalaga, ipadama natin sa ating kapwa na napakarami pang dahilan para ngumiti, na puno pa rin ang buhay ng pag-asa.
Maging saligan sana tayo ng mga kababayan nating nangangailangan ng lakas at suporta para harapin ang kinabukasang hindi tiyak.
☻☻☻
Ngayong holiday season, marami ang sabik sa mga kinagisnang reunion at Christmas party.
Nais lang natin ipaalala na nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.
Huwag sana tayong magpabaya sa pag-obserba sa mga health protocol, at iwasan nating lumabas hangga’t kinakakailangan.
Huwag nating ipusta ang ating buhay at ng kapamilya para sa ilang sandaling ligaya.
Maligayang Pasko sa sambayanang Pilipino!
Sama-sama tayong mananalig at kumilos para sa muli nating pagbangon.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments