top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Wag daw 'yung mga sikat… TONI, PINAYUHAN NG PADIR NA IDOLOHIN SI JOEY DE LEON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2022
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 28, 2022



May pelikula si Toni Gonzaga na kasama sa darating na MMFF 2022, ang My Teacher na produced at idinirek ng kanyang mister na si Paul Soriano.


Tanging ang veteran comedian-host na si Joey de Leon pa lang ang nababanggit na kasama sa cast ng My Teacher.


Marami naman ang nagtataka-nagtatanong kung bakit si Joey de Leon ang napili para makasama ni Toni sa kanyang movie entry sa MMFF 2022. Ang ibang pelikula na kalahok sa Magic 8 ng MMFF ay malalaking artista ang kinukuha upang makahatak ng manonood.


Para kay Toni, hindi niya malilimutan ang isang icon na tulad ni Joey de Leon. Marami siyang natutunan kay Joey sa panahon ng kanyang pamamalagi sa Eat… Bulaga!. Nakita niya ang pagiging professional at down-to-earth ni Joey.


Isang experience ang hindi niya malilimutan dahil sa sinabi sa kanya ni de Leon.


Bumagyo raw noon at hindi nakarating ang mga kasamahan nilang hosts sa Eat…


Bulaga!. Sila lang ni Joey de Leon ang nasa studio ng EB! kaya ninerbiyos siya nang husto dahil wala ang mga co-hosts niyang kaedaran niya.


Pero si Joey ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob at sinabihan na magtiwala si Toni sa sariling kakayahan. At naitawid naman nina Toni at Joey ang Eat… Bulaga! kahit wala ang ibang hosts ng show.


Hindi rin malilimutan ni Toni ang payo sa kanya ng kanyang Daddy Bonoy. Sinabi nito kay Toni na ang artistang dapat niyang tularan at gawing idolo ay hindi ang mga sikat kundi 'yung mga nagtatagal sa showbiz dahil 'yun ang mga taong may tunay na talento na pangmatagalan.


At si Joey de Leon, mahigit limang dekada na sa showbiz pero hindi nalalaos at patuloy pa rin na nagpapasaya ng mga tao.


Well, asset nga sa movie ni Toni si Joey de Leon na subok na ang pagiging mahusay na komedyante. At sana, mai-guest din ni Toni si Joey sa kanyang reality talk show na Toni sa AllTV Network. For sure, very colorful ang naging buhay ni Joey sa showbiz dahil isa siyang henyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page