‘Wag daw unahan para sa content… RUFA MAE: DAHILAN NG PAGKAMATAY NI TREVOR, SA AKIN LANG DAPAT MANGGALING
- BULGAR
- 16 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 4, 2025
Photo: Rufa Mae Quinto - IG
Sa social media post ng aktres na si Rufa Mae Quinto ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang namayapang asawa na si Trevor Magallanes (RIP) at anak nilang si Athena.
Makikita sa larawan na masaya sila at halatang mahal nila ang isa’t isa.
Dahil dito, nakiusap si Rufa Mae na iwasan ang pagkalat ng hindi na-verify na impormasyon tungkol sa kanyang pamilya at nagpasalamat din siya sa mga nakiramay sa kanya.
Saad ni Rufa Mae sa post niya, “Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pakikiramay.
“As we cautiously navigate through this emotionally difficult period in our lives, we would appreciate discretion from everyone.
“Nakikiusap ako na ‘wag naman po ninyong gamitin ang pangyayaring ito para magkaroon lamang kayo ng ‘content’.
“As the wife of Trev, all information surrounding his passing will come from me. Ang lahat ng detalye ay maaari ko lang maibigay sa tamang oras.
“For the sake of our daughter, Athena, please refrain from spreading unverified information that she can access through social media.
“Let us just remember the good times that we had with my husband, Trev.”
Dagdag pa ni Rufa Mae, “Mag-asawa pa rin kami ni Trevor, walang nag-file sa amin ng annulment. Dito po kami sa Pilipinas ikinasal (nu'ng) Nov. 25, 2016.
“Ako po ay widow/biyuda na, shock pa din at nagluluksa po kaming mag-ina and salamat po sa lahat ng condolences, RIP and sympathy. Salamat sa pakikiramay. Lord, please give me
and Athena our daughter strength. Ang sakit.”
Sana naman ay respetuhin ang hiling ni Rufa Mae Quinto dahil hindi madali ang pinagdaraanan nila ng kanyang anak.
NAKAKATUWA ang reaksiyon ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan nang tawagin siya na “magaling, wealthy and irresistible” ng TV host na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sey ni Frankie, “Nagulat po ako doon at medyo na-shock.”
Sabi ni Kuya Boy ay “Pag-usapan natin ang pagiging anak ni Sharon Cuneta. Do you get this often?”
Sagot ni Frankie, “No. But it’s one of my favorite things honestly, to — it sort of feels about — ‘cause nowadays it’s sort of like I think at this age, parang may pagka-therapy na.”
Dagdag pang tanong ni Kuya Boy, “How was it and how is it?”
Sagot ni Frankie, “Halos ngayon ko lang po na-process like fully, I think adult na, 'cause I know, like, I think that when I talk about it to people—for example, like if I meet someone in the States and, you know, they're like—I’ll make friends with them and then it sort of gets to the thing of like what is it, like what is it that—of course Instagram—and I never realized because I grew up in the Philippines, I never had to explain it here. It was sort of this instinctual thing of.”
Sabi pa ni Kuya Boy, “Ibig sabihin, hindi mo kinakailangang ipaliwanag kung sino si Sharon Cuneta at kung sino si Senator Kiko, but in abroad it’s entirely different story?”
Sagot ni Frankie, “Of course, it's a hard thing—obviously na pinalaki po kami na hindi puwedeng magyabang, you know what I mean? Like it's not good, it's not cool to throw your weight around.”
Kuwento pa ni Kuya Boy, “I'll go to a quote of Mega Star Sharon. Sabi ni Sharon sa kanyang anak na si Frankie ay ‘No headaches in describing you, no horror stories, no disrespect. I must have done something right.’”
Maraming netizens ang humanga kay Frankie sa pagiging mabait at wala raw kayabang-yabang sa katawan.
Ang magiging sagot lang ni yours truly sa mga netizens na nagsasabing mabait at humble si Frankie ay may pinagmulan naman kasi si Frankie—katulad lang din siya ng kanyang mother dearest na may kababaang-loob.
Boom na boom ka d’yan, Frankie.
MAGHAHATID ng tipid tips sa mga kabataan si Kapamilya star Mutya Orquia na bida sa bagong episodes ng Estudyantipid, isang series na tumatalakay sa usaping pera handog ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa pakikipagtulungan ng BPI Foundation.
Gagampanan ni Mutya ang papel ng isang estudyanteng nais matutong humawak ng pera sa seryeng layuning turuan ang mga kabataang Pinoy ng tama at praktikal na paghawak ng pera.
Tampok sa bagong episodes ng Estudyantipid ang mga napapanahong isyu tungkol sa pera na madalas na pinoproblema ng kabataang Pinoy matapos ang matagumpay na unang bahagi nito noong 2024.
Tatalakayin sa serye kung paano makaiwas sa mga panloloko o scam, mga pangunahing konsepto sa pagnenegosyo, mga praktikal na kaalaman sa paghawak ng pera, at iba pa.
Mapapanood ang bagong episodes ng Estudyantipid tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo sa ganap na 1:40 PM sa BEAM Channel 31, cable, direct-to-home satellite, at digital black boxes.
‘Yun lang and I thank you.