'Wag daw piliting maging beauty queen… HERLENE, TANGGAP NG MADLANG PIPOL BILANG JOLOGS
- BULGAR
- Nov 19, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 19, 2022

Maraming nagmamalasakit kay Herlene Budol ang nagpayo sa kanya na tigilan na muna ang pagsali-sali sa mga beauty pageants. Okey na raw ang nakamit niyang karangalan bilang First Runner-Up sa Ms. Universe-Phils. Ang kanyang career ngayon ang dapat niyang tutukan kung gusto niyang sumikat nang husto at magtagal sa showbiz.
Maraming magaganda at talented na newcomers ngayon na gusto ring sumikat at makilala.
Bentahe ni Herlene Budol ay contract artist na siya ng GMA Network at siguradong mabibigyan ng exposure at magagandang projects. Kaya 'wag niyang sayangin ang magagandang oportunidad at sa showbiz muna siya mag-concentrate.
'Wag niyang pilitin na baguhin ang kanyang sarili. Ginusto siya ng publiko sa kanyang pagiging jologs. Ibalik niya ang dating Hipon Girl na nagustuhan ng lahat. Kalimutan muna niya ang mundo ng mga beauty queens.





Comments