top of page
Aiko Melendez at Kim Chiu - IG.jpg

‘Wag daw paglaruan ang hitsura ng sinuman… KIM, SAPUL SA HIRIT NI AIKO SA ‘LOTUS FEET’ JOKE KAY RYZZA MAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 2, 2026



Aiko Melendez at Kim Chiu - IG

Photo: Aiko Melendez at Kim Chiu - IG



“Never joke around about anyone’s physical appearance. Beauty has always been relative. What one person finds beautiful may be different for someone else,” post ng konsehala at aktres na si Aiko Melendez.


Pakiwari ng mga netizens ay patungkol ang post na ito ni Konsi Aiko kay Kim Chiu dahil inokray nito si Ryzza Mae Dizon sa segment ng It’s Showtime (IS) na Lights, Camera, Act Song kasama sina Brent Manalo at Jugs Jugueta.


Sabi pa ni Aiko, “But one thing that never goes out of style is having a kind heart.

“Be the reason someone smiles today, not the reason they lose confidence. Kindness will always be the most beautiful thing a person can wear.”


Napanood namin ang nasabing segment na hindi masabi ni Brent kay Kimmy ang gusto niyang sabihin at tila natatakot siya habang nakatingin sa likod ng TV host-actress. Saka niya itinuro si Jugs at sinabing, “Si Lotus Feet!”


Napalingon si Kim sa likod niya at nakita nga niya si Jugs na nakabalot ang ulo at kulay puti ang mukha na hitsurang Lotus Feet, ang ghost character sa horror film na Feng Shui.


Ang kunwaring nagulat na sabi ni Kim, “Ano’ng Lotus Feet na sinasabi mo? Ay! Bakit si Ryzza Mae?” 


Nagkatawanan ang lahat ng nasa studio.


Para sa amin ay foul ang sinabi ni Kimmy dahil totoong tao si Ryzza Mae at hindi fictitious character, kaya maraming netizens ang umalma.

Ang ilan sa mga nabasa naming komento ng mga netizens…


“Ang ganda naman ni Ryzza Mae, bakit naman ganu’n, Kim?”

“Favorite kita, Ms. Kim, pero mali na ‘yung gawing katatawanan si Ryzza Mae. Parang ginagawang joke by implying nakakatakot ang hitsura nu’ng bata at ginaya pa ‘yung pag-cha-cha n’ya. Constructive criticism lang po ito. ‘Wag gawing biro ‘yung bata at hayaan s’ya.”


Hanggang sa may nagpaalala ring netizen na inamin ni Ryzza Mae ang insecurities niya sa panayam niya kay Toni Gonzaga na bata pa siya ay nilalait na ang hitsura niya. 

Inamin din ng Eat… Bulaga! (EB!) co-host na nagtataka siya sa sarili kung bakit siya ang nanalong Little Miss Philippines 2012 gayung mas maraming mas magaganda sa kanya.


“This is a form of bullying. Mag-sorry ka naman, Kim, kay Ryzza Mae,” sabi pa ng netizen.

Samantala, maraming sumang-ayon sa post na ito ni Aiko.


“It was a typical comedy bar humor that was shown on national television. They should upgrade their kind of comedy to a more humane, more intelligent type.”


“Very well said, Ms. Aiko. Kaya sana dapat may filter, edit, o i-modify din ang buka ng bibig natin sa pagsasalita para ‘di tayo makapanakit ng kapwa.”


“Tigilan natin ‘yung biro tungkol sa hitsura ng iba. Kasi ‘yung salitang binitawan mo nang biro lang, baka ‘yun ‘yung iniuwi nila at iniyakan sa gabi. ‘Yung pinagtatawanan mo ngayon, hinahangaan naman ng iba. ‘Yung ‘di mo type, ‘yun ‘yung dasal ng ibang tao. Walang standard. Walang panalo sa pambabastos.”


“True. Pati nga ako, nasaktan din. Pero ang galing din ng mga tao, du’n pa rin sila sa may mabuting loob, ‘di sa mas sikat at mas angat sa buhay. Tao na ang nagtanggol at rumesbak sa nanlait sa kanya. Talagang napakabuti ng Panginoon sa mga mabubuting tao. God bless you always, Ryzza.”


“Accountability matters. Kim Chiu, if your joke publicly embarrassed or hurt Ryzza Mae Dizon, then you should publicly own it and publicly apologize. A sincere apology is not a sign of weakness—it is a sign of integrity, maturity, and respect. Public humiliation deserves public accountability. Offer a genuine public apology to Ryzza Mae.”

Bukas ang BULGAR sa panig ni Kim Chiu tungkol dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page