‘Wag daw magtitiwala agad kahit sa kadugo… “HINDI LAHAT NG MABAIT AY TOTOO, HINDI LAHAT NG TAHIMIK AY WALANG ALAM” — SOFIA
- BULGAR

- Jun 12
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 12, 2025
Photo: Sofia Andres - IG
Kamakailan lang ay nag-post sa social media ang actress na si Sofia Andres tungkol sa kanyang natutunan sa istoryang Maguad Family episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na ipinalabas sa ABS-CBN.
“One of the biggest lessons I’ve learned from the heartbreaking story of the Maguad Family is this: never trust someone too easily. Kahit gaano pa sila kabait sa harap mo, hindi mo talaga alam kung ano ang iniisip o pinaplano nila kapag nakatalikod ka.
“Some people are experts at pretending. They smile, they act kind, they even try to win your trust. Pero sa totoo lang, may mga tao talagang sinisiraan ka na pala sa iba, or worse, may masama na palang binabalak laban sa ‘yo.
“It’s sad and scary, but it’s a painful reminder to be careful with who we allow into our lives. Hindi lahat ng mabait ay totoo, at hindi lahat ng tahimik ay walang alam.
“Always trust your instincts, and remember your safety, whether emotional, mental, or physical - should never be compromised for the sake of being ‘nice,’” paglalahad ni Sofia.
Dagdag pa niya, “Kaibigan man o kadugo, ‘wag ibigay ang buong tiwala.
“Second lesson: Be content with what you have. Don’t let jealousy take over — you can do better in your own time.”
Marami namang mga netizens ang nag-agree 100 % kay Sofia.
“Very well said, Sofia. Basta magtiwala lang tayo sa Panginoon nang 100 %, siguradong ligtas tayo.”
“Just always: Trust in the LORD with all your heart and lean not on your own understanding. In all your ways acknowledge Him and He will make your path straight. Proverbs 3:5-6.”
‘Yun lang and I thank you…
Dahil sa sipag at tiyaga…
MARVIN, JANITOR NOON, PA-GOLF-GOLF NA LANG NGAYON
TOTOO ang kasabihan na, “Ang buhay ay parang isang gulong. Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw.” Itong kasabihang ito ay tugmang-tugma sa buhay ni Marvin Agustin.
Sa social media post ay ibinahagi niya ang larawan na may caption na: “Grabe this was 1995, TIA MARIA’S Mexican Restaurant days!
“Dito ako natuto respetuhin at mahalin ang kahit na ano’ng klaseng trabaho. Dito all around kami kasi mahina ang benta namin nu’n.
“I remember in a day, ikot ang mga responsibilidad namin, waiter, bartender, kitchen help, cashier, minsan sekyu or janitor, local store marketing. LAHAT! Hahaha!
“Ang sarap pagdaanan at kuhanan ng leksyon ang mga panahon na susubukin ka ng buhay.
“Kaya laban lang nang laban. Walang makakatalo sa taong ayaw magpatalo,” pagbabalik-tanaw ni Marvin.
Ngayong 2025, pagkatapos ng 30 years ay wala ka nang makikitang hirap sa hitsura ni Marvin. Ang makikita mo na lang ay ang mga kaginhawahang nakuha niya dahil sa sipag at tiyaga nito. Halimbawa na lang ang pagpapakita niya ng kanyang restaurant, bahay, at masasarap na pagkain.
Ito lang nakaraang araw ay nag-post si Marvin sa social media ng larawan na naglalaro siya ng golf.
Ani Marvin, “Quick escape lang pero ang rich ng vibes. 1 hour from SG tapos biglang golf with ocean views?! From green to beach in one swing - legit paradise. May bonus pang monkey sightings.”
O ‘di ba naman, ang ganda ng naging life ni Marvin, na tipong mapapakanta ka na lang ng, “Gulong ng palad, ang buhay ay…Gulong ng palad. Ang hantungan, ang kapalaran… Minsa’y nasa ibabaw.”
SA latest YouTube (YT) video post ni Mariel Rodriguez na kinunan sa Universal Studios Singapore, kasama ang mga anak at si Robin Padilla ay makikita mo kung paano protektahan ng aktor-senador ang kanyang mga anak.
Sa sinasakyang rides ay tinanong niya kaagad si Mariel kung may seatbelt ba ang mga sinasakyan ng mga anak nila, na sinagot agad ni Mariel ng “Oo naman.”
Makikita rin sa video na kahit 15 years na silang mag-asawa ay wala pa ring pagbabago sa lambingan at pagmamahalan nina Robin at Mariel. May pasimpleng yakap na tipong naglalambing pa rin si Robin kay Mariel.
Si Mariel naman ay sinisiguradong masaya ang mga anak. Nalalaman daw ni Mariel na masaya ang mga anak ‘pag nakatingin siya sa reaksiyon ng mga ito at ‘pag ngumiti ay sulit na raw lahat.
Pero ibinuking ni Mariel na sa 15 years nila ni Robin ay first time lang na sumakay ang senador sa ganoong klaseng rides.
Samantala, nag-post sa social media si Mariel ng larawan nila na kuha sa Universal Studios Singapore, na may caption na: “Grabe, inulan talaga kami sa Universal Studios Singapore! Good thing, we get to enjoy most of the rides bago bumuhos ang malakas na ulan. Kahit nabasa kami, masaya pa rin ang buong pamilya! Salamat kay Tatay (Robin) na bumili ng extra t-shirts for everyone, para hindi kami magkasakit.”
Marami ang mga netizens na bumilib sa pamilya ni Robin sa pagpapakita ng pagmamahalan at malasakit.
Sey nga ng mga netizens:
“Bihira na ‘yung ganyan na celebrity, ikaw pa lalapitan.”
“Parang sila lang ang artistang hindi mo makita na naka-uniform ang mga kasama.”
“Ang bait ni Robin. Super approachable sa fellow Pinoys.”
Si yours truly ay buhay na patotoo kung gaano kabait ang nag-iisang Senator Robin Padilla, napakabait at mapagpakumbaba.










Comments