'Wag daw magtiis sa taong 'di ka mahal… "KUNG GUSTONG UMALIS, IHATID MO" — CIARA
ni Julie Bonifacio @Winner | March 11, 2023

Aktibong muli si Ciara Sotto sa showbiz pagkatapos mahiwalay sa kanyang ex-hubby na si Jojo Oconer. Nagho-host, nagpo-pole dancing at ngayon ay umaarteng muli si Ciara sa pelikula.
Kasama si Ciara sa trilogy film ng Palanca award-winner at direktor na si Njel de Mesa titled Subtext with Paolo Contis.
“Nag-shooting kami for one day for that film because ‘yun nga, it’s unconventional kasi may pagka-comedy siya na biglang nagiging serious,” lahad ni Ciara.
Inamin ni Ciara na nami-miss na niyang umarte sa pelikula at telebisyon. Dati raw kasi, kahit may offer sa kanya, tinatanggihan niya dahil sa kanyang only child na si Crixus na ngayon ay 8 years old na.
“Parang hindi ko kaya na iwanan siya, tapos ‘di ba, may mga pinagdaanan pa ako?” pagre-recall ni Ciara.
Feeling niya ay naka-move on na siya sa pinagdaanan dahil annulled na sila ng dating mister and they’re very good friends na raw ngayon.
“Sobrang okay po kami ngayon nu’ng tatay ng anak ko, friends na kami ngayon. Pati 'yung [bagong] girlfriend niya, friend ko na. Ganoon kami ka-close, non-showbiz ‘yung girlfriend niya ngayon,” pagre-reveal ni Ciara.
Katunayan, nakasama na ni Ciara ang ex-hubby niya at ang bagong GF nito.
“Yes! Nagawa na namin. Ay, wala pa pala akong date, nakisama lang ako sa kanila. Extra lang ako. At okey ang anak ko. My son likes her.”
Matamis na ngiti ang isinagot ni Ciara sa tanong if gusto pa rin niyang magpakasal someday.
“Akala mo naman meron. Hahaha! Kapag may ibinigay na si God sa akin, why not?”
Na-trauma raw talaga siya sa sinapit ng kanyang married life, kaya kung magpapakasal siyang muli, kailangang maging mas maingat siya sa pagpili ng bagong lalaki sa buhay niya.
Biniro namin si Ciara na hiwalay na rin ang dati niyang ka-love team na si Onemig Bondoc.
Nagkatawanan lang kami ni Ciara sa pagsabi niya ng “Very 90’s.”
Eh, di sige, si John Lloyd Cruz na lang, kaya lang may girlfriend pa yata si Lloydie.
Ayon pa sa kanya, may iba naman daw nagpaparamdam sa kanya ngayon.
“Mga text-text na pampasaya, hahaha! Mga ganoon lang, nothing serious.”
Open naman si Ciara na makipag-date since single siya, but last Valentine’s Day, naki-join lang.
Payo ni Ciara sa mga babaeng may pinagdaraanan ngayon gaya nu’ng nangyari sa kanya dati, “Kailangan po talaga, mahalin mo ang sarili mo. Kasi ang nangyayari sa mga babae, usually, lahat ibinibigay. wala ka nang itinitira sa sarili mo. But I've learned along the way na you cannot give what you don't have.
“So, kailangan mong mahalin talaga ang sarili mo, kailangan mong makita ang worth mo para makita rin ng iba [na] that you are worthy of love, respect, of attention, care. So, always love yourself.
“Of course, kailangan parating mag-pray. But then, you have to see yourself the way God sees you na special ka, your valuable. Kaya i-value mo rin ang sarili mo, 'di ba?
“Tapos, for sure, nade-depress ka, nami-miss mo ‘yung partner mo. As much as possible, fix it.
Pero kung hindi na talaga maaayos, kailangan mong i-let go. Hindi pupuwedeng ipilit 'yung sarili mo sa taong hindi ka na inirerespeto, ‘di ka na mahal. Bakit mo pa ipipilit ang sarili mo?
Kung gustong umalis, ihatid mo,” sabay tawa ni Ciara.
Gusto namin ang linya ni Ciara, bagay na tagline ‘yan sa mga babaeng may asawa na nais nang kumawala sa kanilang relasyon.





Comments