top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Wag daw magpakasal… HIRIT NG MADLANG PIPOL: YAMAN NI ANGELINE, MAPUPUNTA LANG SA PADIR NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 30, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 30, 2022




May ipinost si Angeline Quinto na larawan nilang pamilya sa account niyang @loveangelineaquinto. Ang nasabing photo ay kuha sa Quezon kung saan nagbakasyon silang mag-anak.

Caption dito ni Angeline: "So much fun at @lostvillaquezon with my family! I'm grateful that we got to spend a happy and relaxing time for @babysylvio's first out of town trip! Of course thank you very much to Lost Villa for being so accommodating!"


Sa nasabing posted photo ay naka-flaunt ang singsing na nasa daliri ng singer.


Tanong tuloy ng mga netizens, engagement ring daw ba ang suot ni Angge o wedding ring?


If I'm not mistaken, may balitang lumabas na nagpakasal sa Tate ang singer sa partner na si Nonrev Daquino nang magkaroon siya ng concert doon a month ago kasama ang anak nilang si Sylvio.


Sa isa ngang panayam kay Angge ay may nakapansin na dalawa ang suot niyang singsing.


Tanong sa kanya, “Bakit dalawa ang singsing mo? Parang wedding ring."


“Ie-explain ko next time,” birong sagot ni Angge.


Pinag-uusapan na rin naman daw nila ang kasal.


"Siyempre, sa ngayon na nagkaanak ako at bumubuo kami ng sarili naming family, pinag-uusapan namin ang tungkol sa kasal.


"Siya naman ang nag-o-open noon, eh. Ang suwerte ko lang kasi naririnig ko sa kanya, ako 'yung gusto niyang makasama habambuhay, so 'yun.”


Anyway, back to the ring na ipino-flaunt niya, reaksiyon ng netizen, "Sa posisyon ng kamay niya, halatang ipinapakita niya 'yung ring na binili niya. Haha!"


Komento pa ng ibang netizens…


"Jackpot ni boy kay girl."


"Painggit naman 'to si Angge. Buti sana kung single at walang sabit 'yang boylet niya.


Nyahahaha!"


"Actually, parang 'yun 'yung point ng picture niya. Ginawa lang niyang background 'yung mag-ama niya. Hehe!"


Marami ang tumututol na magpakasal ang singer sa kanyang partner lalo na ang kanyang fans at mga followers.


"'Wag kang pakasal, Angge. Magiging conjugal ang naipundar mo. Esep-esep."


"If indeed engaged, I hope she considers a pre-nup or that friends will advise her to have a pre-nup."


"This will be another busted marriage. Guy is deadbeat and can't provide. Wait until the child grows up and needs more resources. Money problems = hiwalayan."


Kawawang Nonrev, walang magandang sinabi ang mga netizens tungkol sa kanya.


Hindi kasi masyadong mapera ang guy and besides, may tatlo pang anak sa iba't ibang babae.


Pinoprotektahan lang nila ang singer lalo pa at wala na itong Mama Bob na matatakbuhan.


Well, si Angge naman ang totoong nakakakilala sa guy. Sabi nga niya, "Siya ang true love ko."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page