top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Wag daw i-bash dahil may sakit… ROBIN, HUMINGI NG DASAL PARA KAY KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 15, 2022




May pakiusap si Robin Padilla sa mga bashers na tantanan na ang pamba-bash kay Kris Aquino na alam namang hindi maganda ang sitwasyon ngayon dahil sa kanyang sakit na hindi gumagaling.


Aminado naman ang mama nina Joshua at Bimby na hindi na gagaling ang sakit niya dahil habambuhay na itong gamutan. Ang tanging hiling lang niya ay umayos ang sitwasyon niya, madagdagan ang timbang at masubaybayan pa ang mga anak lalo na ang bunso na magpo-14 years old ngayong 2022, at makatulong pa sa mga nangangailangan.


Sa Facebook account ni Robin ay nag-post siya kahapon ng umaga na nakikiusap na tigilan na si Kris ng mga bashers sa pagsasabi ng hindi magagandang salita laban sa TV host.


“Bismillah…


“Mga mahal kong kababayan, ako po ay nag-aalala kay Ms. Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.

“Nais ko pong makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay Ms. Aquino na magpakamakatao muna po kayo.


“Hindi naman po tayo bulag para makita (sic: hindi makita) na may dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamutan.


“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang taong may karamdaman.


“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan.


“In shaa Allah.”


Umabot sa 104 K ang nag-like, nagpakita ng suporta at love, samantalang 3.8 K shares at 12 K comments ang umayon kay Robin.

Mula kay @Malcolm Conian, “I totally agree Sir Robin Padilla, I also prayed for Ma’am Kris Aquino the other day too. Despite me being bashed by many for doing so, I will stick to my principles.


“I believe in humanity and kindness to our fellow human beings. Whatever political arguments or storms may come our way, we are all human and God is our judge not man.


Thank you for your beliefs Sir and standing true to them. God bless you.


“May Kris get better soon. She needs to be there for her children and family too.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page