top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wag daw i-bash dahil may sakit… HIRIT NG NETIZENS: ROBIN, GINAMIT LANG SI KRIS SA PAGTAKBONG SENADOR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | January 16, 2022





Hinihintay namin na sagutin ni Robin Padilla ang akusasyon sa kanya na for political purposes lang kaya siya nag-isyu ng pakiusap na 'wag munang i-bash si Kris Aquino at magpakatao muna dahil nakikita namang maysakit ito ngayon.


Ang ganda ng pakiusap ni Robin na “Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang taong may karamdaman. Ano man po ang ating relihiyon o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan.”


May mga nangakong susundin nila ang pakiusap ni Robin, pero may ibang ginawa lang daw niya ito for his political career.


Tumatakbo raw na senador si Robin at kailangan niya ng ganitong isyu at boto ng fans ni Kris.


Hintayin natin ang sagot ni Robin dito.


Speaking of Kris, siguro by now, naayos na ang papers na kailangan niya para makalipad na siya sa Amerika dahil doon siya magpapagamot. Nagkakaroon daw ng problema sa papers ni Kris dahil sa sitwasyon ngayon ng bansa dahil sa Omicron.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page