top of page
Search
  • BULGAR

'Wag daw holidays ang pakialaman ni Chiz, Heart… HIRIT NG MADLANG PIPOL: SUWELDO NG MGA MAMBABATAS, BAWASAN!

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 14, 2024



Showbiz News
Photo: Sen. Chiz Escudero

Nilinaw ni Heart Evangelista na hindi mababawasan ang kasalukuyang national holidays natin. Ito ay bilang sagot sa mga concerns ng mga netizens hinggil sa naging pahayag ng mister niyang si Senate President Chiz Escudero kamakailan, na nagkasundo ang Senado na limitahan na ang pag-a-approve ng local holidays sa Pilipinas.


“Mahigit isang buwan na ang holiday sa buong bansa, which makes Philippine companies and workers less competitive,” pahayag ni Chiz.


Sa Amerika raw ay mabibilang lamang sa daliri ang mga holidays, “Tayo, hindi. May Araw ng Kagitingan, National Heroes’ Day. Bawat bayani, kapag pinatay sila, may holiday na naman, ‘di ba?”


“Ang problema lang, away ‘yan, eh. Pero hindi naman kailangang gawin ‘yan ngayon, simulan lang natin ang proseso,” pahayag pa ni Sen. Chiz.


Iba’t iba ang naging reaksiyon dito ng mga netizens at karamihan ay tumututol sa sinabi ng mister ni Heart. Anila ay hindi raw totoong apektado ng mga holidays ang competitiveness ng mga Pinoy.


May nagsabi pang ang dapat bawasan ay ang sahod ng mambabatas.


Sey pa ng isa, “Maraming puwedeng ayusin pero holidays? Really? Most of our workers in this country are overworked and underpaid, let them have their break during the holiday, Mr. Chiz Escudero.”


Sa Instagram (IG) Live ni Heart last Sunday kasama ang mister ay may nag-comment na


“Huwag po bawasan ang holiday,” at sinagot naman ito ng aktres.


Aniya, “Hindi po babawasan ang holiday. Fake news po ‘yun. Hindi lang s’ya dadagdagan.”

Paliwanag naman ni Chiz, “Ang average holiday po sa ASEAN, sa Association of Southeast Asian Nations, dito sa Southeast Asia, ang average holiday po ay nasa labing-anim hanggang labing-walo.


“Ang Pilipinas po, nasa 25. So, ang policy po ng Senado ay ‘wag na nating dagdagan ‘yung 25 na ‘yun, dahil masyado na tayong nagiging hindi competitive sa mga katabi nating bansa.”


Sabi naman ni Heart Evangelista, “So, ‘wag po kayong uminit ang ulo. Hindi po s’ya babawasan, na-fake news na naman tayo, masyadong active sa social media. Kung anuman po ‘yun, ‘yun na po ‘yun. ‘Di lang madadagdagan.”


 

HINDI nakapagpigil si Jessy Mendiola at sinagot ang isang basher na nanlait sa anak nila ni Luis Manzano na si Baby Rosie.


Sa isang Facebook (FB) post ay makikita ang larawan nina Jessy at Rosie na magkatabi habang hawak ang flowers na bigay sa kanila ni Luis. 

Isang netizen ang nagkomento ng hindi maganda. 


Sey nito, “Grabe, bakit ganyan ‘yang bata, wala pang 2 years old pero ang eyebags pang-80 years old na.”


Nakita ito ni Jessy at mahinahon niyang sinagot ang basher, although halata ring naimbiyerna siya. Ipinaliwanag niyang nasa lahi talaga nila ang pagkakaroon ng eyebags.


“Nasa lahi namin na may eyebags talaga kasi half-Lebanese. Kalmahan ang paglait sa bata, iayon po natin ang ganda sa panlalait, tignan n’yo po muna ang sarili n’yo sa salamin. Salamat,” sey ng aktres.


Ipinagtanggol din si Jessy Mendiola ng kanyang mga supporters at nilait din nila ang basher.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page