SP Win sa pulis: Banta sa buhay ni VP Sara, seryosohin
- BULGAR

- 18 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | September 7, 2026

Photo: Sen. Win Gatchalian at VP Sara Dutrete - Senate PH - Defense Lawyers FB
Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian sa mga awtoridad na seryosohin ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte hinggil sa mga banta at pangha-harass laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ayon kay Gatchalian, dapat magsagawa ng sariling imbestigasyon ang kapulisan upang matukoy kung saan nagmumula ang umano’y mga banta.
"Dapat kung meron man banta, kung meron nararamdaman o nakikita ang Bise Presidente na banta sa kanyang buhay at pamilya, dapat seryosohin ito," pahayag ni Gatchalian sa isang panayam.
"Nanawagan din ako sa ating kapulisan na on their own dapat imbestigahan kung saan nanggagaling itong banta dahil hindi maganda ito," saad ng senador.
Sinabi rin niyang tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang lahat ng mamamayan maging mataas na opisyal man o ordinaryong Pilipino.
Noong Sabado, nagpiyansa si Duterte sa Quezon City Regional Trial Court matapos siyang arestuhin kaugnay ng kasong grave threats.
Giit ng Bise Presidente na matagal na niyang naidokumento ang mga banta at hindi umano siya nakakaramdam ng kaligtasan para sa kanyang sarili at mga anak.





Comments