top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Dahil sa pagmamanman at harassment... Sara kay Jonvic: Wala akong tiwala sa 'yo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 7, 2026



VP Sara Duterte at Sec. Jonvic Remulla - Circulated - PNP FB

Photo: VP Sara Duterte at Sec. Jonvic Remulla - Circulated / PNP FB



Mariing iginiit ni Vice President Sara Duterte na wala siyang tiwala kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, kasabay ng kanyang akusasyon na nakararanas siya ng harassment at surveillance mula sa administrasyon.


Sa isang pahayag nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte na ang mga naging pahayag ni Remulla tungkol sa kanyang kinaroroonan noong Biyernes ay lalo lamang umanong nagpapatibay sa hinala niyang may surveillance operation laban sa kanya ang pulisya at iba pang ahensya ng gobyerno.


"Wala kaming tiwala sa 'yo, Jonvic Remulla, at sa mga pulis na sunud-sunuran sa isang korup na pamahalaang pinamumunuan ni Marcos,” diin niya.


Sinabi ni Duterte na ang pahayag ni Remulla na alam umano nila kung nasaan siya noong Biyernes ngunit hindi ipinatupad ang warrant of arrest ay isang pag-amin sa umiiral na pattern ng political harassment.


"Ang mga salitang ito ni Secretary Jonvic Remulla ay tila nagpapatibay sa mga dokumentong matagal na naming hawak hinggil sa harassment at surveillance operations ng Philippine National Police at iba pang ahensya ng gobyerno laban sa akin,” aniya.


Giit niya na malaking halaga na rin umano ng pondo ng gobyerno ang inilaan para sa naturang operasyon laban sa isang nakaupong Bise Presidente.


Kinuwestiyon din ni Duterte kung bakit kailangan pang puntahan ng mga awtoridad ang kanyang pamilya gayung alam na umano ng DILG ang kanyang kinaroroonan.

"Isa lamang ang malinaw na sagot upang takutin at sindakin ang aking pamilya,” punto ni Duterte.


Ang pondo aniya ng pamahalaan ay dapat gamitin para sa seguridad ng mamamayan at pagtugis sa mga kriminal, hindi sa umano'y pagmamanman sa kanya.


Inihalintulad din ni VP Sara ang umano'y harassment sa kanya sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“Higit sa lahat, huwag nating kalimutan ang ginawang pag-kidnap ng Philippine National Police kay Pangulong Rodrigo Duterte. Pati na rin sa marami pang ginagawang harassment ng pulisya sa mga sibilyan,” dagdag niya.


Sa panig naman ni Remulla, inihayag niya na nirerespeto ng PNP ang posisyon ng Bise Presidente, kaya hindi ipinatupad ang warrant of arrest kahit batid umano ng mga awtoridad ang kanyang kinaroroonan. 



Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page